Maris Racal gets new partner for the third time

This early, teen star Maris Racal (in photo, with McCoy de Leon) has her stories of surviving showbiz intrigues. "Ang daming bashers, mas binabantayan ang mga actions mo... mas naka-focus sila sa flaws mo instead na sa mga good parts mo. Na-survive ko yun, and now, mas marunong na akong mag-control sa emotion ko."


Hindi nababakante nang matagal ang Kapamilya teen star na si Maris Racal.

Ang huling teleserye na nakasama siya ay ang Ningning, na hindi pa katagalang nagtapos.

Ngayon ay kasama si Maris sa cast ng pre-primetime series ng ABS-CBN na We Will Survive.

Kung mayroon mang nawala, ito ay ang love team nila ng co-housemate niya sa Pinoy Big Brother (PBB) na si Manolo Pedrosa.

Sabi ni Maris, “Parang nagkaiba-iba po kasi kami ng trabaho.

“Si Manolo, pumasok siya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Ako naman, pumasok sa Ningning at nakatambal ko naman dun si Marco Gumabao.”
 
Ngayon naman sa We Will Survive, sila ni McCoy de Leon ang bagong magka-love team.

Hindi siya nanghihinayang na nagkaroon na sila ng followers ni Manolo?
 
Sagot ni Maris, “Supportive naman po yung mga followers, although may mga away-away.

“Pero most of them naman po, supportive.

“Parang siguro po, kung ako ang tatanungin niyo ngayon, gusto ko po sana yung solid na.
 
“Like sa on-screen, yung kami na talaga ang partner.”

Si McCoy na talaga ang gusto niyang maka-love team?
 
“Okey rin siya,” nakangiting sabi ng teen actress.

GOOD VIBES. Simula nang lumabas sa PBB house si Maris, ngayon pa lang daw niya naranasang makasama sa isang teleserye na mula sa pilot airing ay nandoon siya.

Sabi ng Kapamilya teen star, “Nakakakaba pala na mag-pilot.

“At the same time po, yung character ko po, may relation po sa isa sa mga bida, si Ms. Pokey, si Ms. Pokwang po.

“Kapatid niya po ako dito at isa ako sa reason kung bakit hindi siya makapag-asawa.
 
“Nakakatuwa, pero at the same time, dun ko rin po nalaman na mahirap po palang mag-shoot ng pilot.

“Detailed na detailed po talaga.”

Unang beses din daw niyang makasama ang dalawang sikat na komedyante ng Kapamilya network na sina Pokwang at Melai Cantiveros.
 
Sabi ni Maris, “Comedy rin po sila off-cam.
 
“Nakakatawa po dahil comedy rin po silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa rin dahil ang bait-bait din nila, pati po yung mga ibang cast.

“Ang saya lang din po kaya feel-good po talaga.

“Nai-inspire ako sa kanila, kasi big stars na sila, may pangalan na sila.

“Pero super down-to-earth sila, and yun namang lahat na nakatrabaho ko.
 
“Nagulat po ako kay Ms. Pokey, ang bait-bait niya.

“Wala akong time na mag-adjust talaga… humble talaga sila.”

SURVIVOR. Eighteen years old pa lamang si Maris pero marami na rin daw siyang pinagdaanan na nagawa naman daw niyang maka-survive.

“Well, siguro yung pinakanahirapan ako, yung early years ko sa showbiz.

“Na naka-survive ako, hindi ko akalain na mahirap pala yun and, looking back, ang hirap pala.
 
“Wala kang alam sa damit, sa makeup, how you act on screen, kapag ini-interview ka.

“Nahirapan ako kasi ang daming bashers, mas binabantayan ang mga actions mo.

“At mas naka-focus sila sa flaws mo instead na sa mga good parts mo.

“Na-survive ko yun, and now, mas marunong na akong mag-control sa emotion ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN