Cesar Montano pays tribute to next-door neighbor Wenn Deramas

Cesar Montano on Direk Wenn Deramas's legacy to Philippine movies: "A lot of things, a lot of beautiful comedy, drama films na ginawa nila Ai-Ai [delas Alas] na hindi mapapalitan at hindi maiko-compare sa iba, na nakapagbigay sa maraming kababayan natin at nagmamahal sa pelikulang Pilipino. Yun ang maiiwan ni Wenn Deramas, na yung touch na pelikula na yun... Nag-iisa lang yun e, siya lang ang makakgawa ng ganun. And yun ang mami-miss ko, isa sa mami-miss ko talaga."


Isa sa nakiramay sa mga naulila ng yumaong blockbuster director na si Wenn Deramas at ng nakatatandang kapatid nito na si Mary Anne “Wawa” Deramas ay ang aktor na si Cesar Montano.

Bumisita si Cesar, kasama ang anak nito kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga, sa ika-limang gabi ng burol ni Direk Wenn kagabi, March 4. Kasama rin ng mag-ama ang Kapamilya teen star na si Sofia Andres.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Cesar, tinanong ito kung ano ang mami-miss niya kay Direk Wenn ngayong pumanaw na ito.

Sagot ng 53-year-old actor-director, “A lot of things kasi kapitbahay ko, as in talagang next-door neighbor.

“Every New Year, sa tuwing magsasara yung taon at darating yung bagong taon, e, yung magkakasambahay na lang yun….

“Yung siya na lang ang natitirang gising, yung bayani, which is our neighbor also and good friend, kami-kami na lang yung nagtutulungan.

“Mami-miss ko yun and, of course, mami-miss ko yung hindi ako nadirek ni Wenn Deramas kahit isang beses.

“But I’m pretty sure dapat maging happy tayo dahil we know that kapiling niya na ang ating Creator.

“I pray and extend my love and prayers to… all the blessings to entire family.”

Isa sa hindi makakalimutan ni Cesar sa kanyang kaibigan at kapitbahay ay ang kanilang pagsasalu-salo tuwing Christmas season.

Ani Cesar, “Fondest memories yung we made events sa kanyang bahay and, yun nga, every New Year nagkikita-kita kami or Christmas, kasi andiyan lang siya sa next door.

“Nagdadala ako ng wine, dadalhin ko dun, kahit di siya umiinom.

“Andun ako, umiinom ako sa bahay niya.

“Pag ako nandun, ‘Matutulog na ako Buboy, ah.’”

WENN AS A DIRECTOR. Ang istilo ni Direk Wenn sa kanyang trabaho bilang direktor ng sunud-sunod na blockbuster movies ay isa rin sa mga mami-miss ng aktor sa pagpanaw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang itinuturing ni Cesar na malaking naiambag ni Direk Wenn sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Aniya, “A lot of things, a lot of beautiful comedy, drama films na ginawa nila Ai-Ai [delas Alas] na hindi mapapalitan at hindi maiko-compare sa iba, na nakapagbigay sa maraming kababayan natin at nagmamahal sa pelikulang Pilipino.

“Yun ang maiiwan ni Wenn Deramas, na yung touch na pelikula na yun na...

“Nag-iisa lang yun, e, siya lang ang makakagawa ng ganun.

“And yun ang mami-miss ko, isa sa mami-miss ko talaga.”

Nang tanungin naman kung nanghinayang ba siyang hindi nakagawa ng pelikula kasama ang yumaong direktor, sagot ni Cesar, “Of course, yeah, how I wish nakagawa ako ng pelikula with him.”

Sa huli, nag-abot muli ng mensahe ng pakikiramay si Cesar sa mga naulila ni Direk Wenn.

Sabi nito, “Siguro ang mensahe ko sa pamilya, ulitin ko po, my prayers and love para sa buong pamilya ni Wenn Deramas at nandirito pa rin po ako kahit wala na po ang aking kaibigan.

“Andito po si Cesar Montano na patuloy po na magmamahal sa inyo.”

Cesar Montano, his son Diego Loyzaga, and Sofia Andres arrive at Direk Wenn's wake.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

MARIA OZAWA. Samantala, sinubukan din kunan ng press ng pahayag si Cesar tungkol sa panibagong isyung kinasangkutan nito matapos ang kontrobersiyal na pahayag ng dating Japanese adult film actress na si Maria Ozawa.

Maayos namang tumanggi ang aktor na magbigay ng pahayag tungkol dito at pinili munang hindi sagutin ang isyu.

Sabi ni Cesar, “I’m sorry, I’m sorry to disappoint you pero nandito po ako para makiramay.”

Lumikha ng eskandalo ang ‘pahayag’ ni Maria sa podcast na Good Times with DJ Mo na nagkaroon daw sila ni Cesar ng one-night stand.

Agad namang humingi ng paumanhin ang Japanese actress kay Cesar at nilinaw na ito'y isang biro lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bukod dito, sinabi rin ni Maria kay Cesar na hindi na isinama pa sa mga showbiz write-ups ang bahagi na sinabi nitong joke ang kanyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN