Kim Rodriguez on real score with alleged BF Kiko Estrada: "Super duper mega bonggang close na friendship."

Kim Rodriguez remains mum about real score with rumored BF Kiko Estrada, despite her "sweet" Instagram postings: "Wala pa po. Okey naman po siguro na mag-post na sweet kasi, ganun naman po talaga kami. Wala namang masama. Bawal bang mag-post ng sweet?"


Hanggang ngayon, wala pa ring pag-amin sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Ito ay sa kabila ng madalas silang nakikitang magkasama.

Kahit sa Instagram postings nila ay sila ring dalawa ang madalas na magkasama at masasabing sweet sa isa’t isa.

Ngunit giit ni Kim, “Wala pa po.

“Okey naman po siguro na mag-post na sweet kasi ganun naman po talaga kami.

“Wala namang masama. Bawal bang mag-post ng sweet?”

Pero ano na batalaga ang status nila ni Kiko?

“Ano... super duper mega bonggang close na friendship, ganun!” natawa niyang sabi.

KONTRABIDA ROLE. Samantala, bago para kay Kim ang pagganap bilang kontrabida.

Sa bagong afternoon soap na Hanggang Makita Kang Muli, si Kim ang gaganap bilang kontrabida kay Bea Binene, na gumaganap namang feral child.

Masaya naman daw si Kim na maging kontrabida.

“Noong sinabi nila sa akin na kontrabida na ako, sinabi ko, okey lang, masaya pa nga po ako.

“Wala naman pong kaso sa akin kung naging bida ako dati, tapos kontrabida ngayon.

“Okey lang, masaya pa nga po ako.

“May iba naman po akong maipapakita sa mga tao na puwede nilang sabihin na, 'Ay, hindi lang naman pala pang-bida si Kim, puwede rin naman pala siyang pang-kontrabida.'”

Hindi ba niya naiisip na parang hindi na bagay sa kanyang gumanap bilang kontrabida dahil nagbida na siya noon?

Sagot niya, “Hindi ko naman po naisip yun.

“Actually, parang mas okey pa nga ang kontrabida, kasi kapag hindi mo nagampanan nang maayos, hindi magmumukhang nakakaawa yung bida.

“So, yung pressure po talaga, nasa kontrabida.”

ACTING TIPS FROM HER MENTORS. Marami ang nagagandahan kay Kim. Bukod dito ay mahusay rin itong umarte.

Pero paano ba niya talaga gugustuhing makilala?

“Ako po, kahit ano naman po.

“Pero siguro, kung talagang puwede, parang gusto ko pong makilala katulad ng idol ko na si Ms. Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya naman po pinagbubutihan ko naman pong lahat.

“Tulad po ngayon, yung preparation ko as kontrabida, tinatanong ko palagi si Ate Ina [Feleo]. Ang galing niya kasi.

“Tinatanong ko siya, sabi ko, 'Ate, first time ko kasing mag-kontrabida, bigyan mo naman ako ng idea,' yung ganun.

“Tapos sabi niya, mahalin ko lang daw, kampihan ko lang daw ang character ko.

“Si Ate Vaness del Moral, ang galing niya rin. Pinanood ko rin yung mga dati nilang ginawa.”

CHALLENGED WORKING WITH DIREK LAURICE. Hindi naman itinanggi ni Kim na dahil unang beses niyang makatrabaho si Laurice Guillen, naranasan daw niyang na-“award” (napagalitan) nito.

“Sobrang pressured,” ang nakangiting sabi ni Kim.

“Okey rin naman na ma-pressure kasi, kung confident ka sa sarili mo, hanggang ganyan ka na lang. Wala ka nang ilalabas pa.

“So, mas maganda yung napi-pressure ka at mas maganda yung naa-award.”

Bakit siya na-award o napagalitan ni Direk Laurice?

“Kasi, hindi ko tinototoo na saktan si Bea.

“Kasi, di ba, may experience na 'ko?” natawa niyang sabi.

“Pero yun nga, hindi ko tinototoong saktan si Bea.

“So, narinig ko si Direk Laurice na sinabi niyang, 'Kapag hindi mo pa tinotoong saktan ‘yan, bababa na 'ko riyan.'

“Pero bago ko gawin yun, 'Be, okey lang ba?'

“Sabi naman niya, 'Oo, okey lang.' Mabait naman si Bea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN