Nikki Valdez on Direk Wenn Deramas: "Kung di ka niya ookrayin, di ka niya mahal."

Nikki Valdez owes her eventful showbiz comeback to recently deceased director Wenn Deramas, who was also her good friend, ninong, and confidante. She says, "Akala nga ng mga tao, stockholder na ako sa Star Cinema, kasi feeling nila, lagi ako nasa mga pelikula, and that's because of Direk Wenn."


Isa si Nikki Valdez sa mga artistang naging malapit sa namayapang direktor na si Wenn Deramas.

Mula noong bumalik siya ng Pilipinas, pagkatapos niyang makipaghiwalay sa kanyang Fil-Canadian husband noong 2009, laging kasama si Nikki sa mga pelikulang nagawa ni Direk Wenn na karamihan ay naging blockbuster sa takilya.

Sabi ni Nikki sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, sa lamay ni Direk Wenn sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang box-office director.

Lahad niya, “I’ve been here since 5:30, parang di pa rin ako makapaniwala.

“Siyempre, may mga panahon na pinatatawa na lang namin ang mga sarili namin.

“But Direk Wenn is not only a director. He's also my ninong.

“He loves my mom so much, he loves my whole family.

“Di ko alam kung ano pa ang dapat ko pang sabihin.

“All I know is napakamabuting tao. Kung di ka niya ookrayin, di ka niya mahal.

“Ninong ko siya nung kasal ko. Kahit ayaw niya nung mapapangasawa ko, dahil mahal na mahal niya ako, umoo siya.

“Pag-uwi ko kasi [after the separation], I had nothing, I had to start from scratch, so tinawagan niya ako.

“Ang una kong trabaho ko sa kanya, Precious Hearts Romance.

“Ito yung episode ni Derek Ramsay saka ni Toni Gonzaga, Ang Lalakeng Nagmahal Sa Akin, if I’m not mistaken yung title.

“Tinawagan niya ako two weeks na lang yung taping, siningit pa rin niya ako.

“Sabi niya, 'O, Niks, nandito ka na ba? May ibibigay akong work for you. Kailangan ni Olivia [Nikki's daughter] 'yan.”

MOVIE PROJECTS WITH DIREK WENN. Ikinuwento rin ng aktres ang unang pagsasama nila ni Direk Wenn sa trabaho.

“Siya rin ang nagdirek ng first Maalaala Mo Kaya ko with Marc Solis. It’s a story about unwanted teenage pregnancy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun ko nalaman yung style niya.

“Ang sabi niya sa akin, first time ko yun na makatrabaho siya, sabi niya, 'O, kailangan sa eksenang ito, naka-smile ka pero umiiyak ka.'

“Sa isip-isip ko, 'Paano ko kaya gagawin yun?'

“After that, ang dami-dami na naming projects together.

“Akala nga ng mga tao, stockholder na ako sa Star Cinema, kasi feeling nila, lagi ako nasa mga pelikula, and that’s because of Direk Wenn.

“Majority of my movies are with Direk Wenn.

Tanging Ina 2, I was pregnant with my baby girl, dumalaw ako sa Pilipinas ng two weeks.

“Sabi niya, 'Nik, magsyu-shoot na kami ng Tanging Ina 2, kailangang-kailangan lang kita, two vital scenes.'

“If you can give me two days shooting, sabi ko, 'Sige Direk,' nag-meeting pa kami hanggang sa di na nagawa.

“Pero nung lumabas yung pelikula, nakita ko, nandun pa yung picture ko.

“Si Direk Wenn ganyan, kung masasama ka sa mga projects niya, isasama ka niya talaga.

“So I’d like to think I’m one of his favorites and he said that when we are shooting Praybeyt Benjamin 2.

“Sabi niya, 'Kaya kita favorite, dahil sa nanay mo,' kasi maka-nanay talaga 'yan.”

DIREK WENN'S ENDEARING TRAITS. Emosyunal si Nikki nang isa-isahin ang mga bagay na mami-miss at lagi niyang maaalala kay Direk Wenn.

Maluha-luha niyang pahayag, “I will miss his craziness na pinapayuhan ka niya pero nakakatawa.

“Saka di puwedeng mag-text 'yan nang maikli lang.

“Wherever he is right now, sasabihin lang nun sa akin, 'Bruha, bakit ka umiiyak?' ganun lang.

“I will miss his laughter, yung mga pang-ookray niya sa akin.

“Saka si Direk Wenn, di ka niya pagkakaitan ng tulong basta naniniwala siya sa iyo. Walang kapalit yun.

“One thing I can share is, kasi may time na my daughter had a physical disability, so I told him that, kasi ninong ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sabi niya sa akin, 'Di mo naman puwedeng sabihin sa kanya na nagkasakit ka nung nandun siya sa tiyan mo, kasi wala ka namang sakit.

“'What you can tell her is that ang tao hindi perpekto. Lahat tayo may kakulangan, nagkataon ang kakulangan niya ay sa pangpisikal na anyo.'

“Kasi yung left hand ng anak ko, mas maliit.

“'Papanoorin mo sa kanya yung Finding Nemo [Disney movie] kasi maganda yung payo ng tatay niya kay Nemo.'

“Sabi niya, 'Ang pinaka-importante, kahit kulang ka ay mabait ka, kasi kapag mabait ang pagkatao mo, walang makakapagsabi sa iyo na di ka mabuting tao. Malayo ang mararating mo pag mabait ka.'

“Yun din ang sabi niya na gusto niya sa mga anak niya.

“Wala siyang [Direk Wenn] hiniling para sa kanila na maging ganito sila kayaman, ka-successful

“Ang hinihiling niya lang ay maging mabuti silang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN