Alden Richards kisses Maine Mendoza on the lips

The moment that every AlDub fan has been waiting for: The kiss on the lips between Maine Mendoza and Alden Richards finally happened on the Saturday episode of Eat Bulaga.


Nangyari na ang pinananabikang halik sa labi sa pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang first 'AlDub lips-to-lips' ay naganap sa 21st birthday celebration ni Maine sa Eat Bulaga! ngayong Sabado, March 5.

Unang hinalikan ni Alden si Maine sa isang punto ng show, kunsaan tila dumampi ang mga labi ng binata sa tabi ng labi ni Maine.

Marami sa mga nasa audience, kabilang na ang JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros) ang nanukso na maghalikan muli ang pinakasikat na tambalan ngayon sa telebisyon.

Sa pagkakataong iyon, sinabi ni Maine na siya na ang hahalik sa pisngi ni Alden.

Bumilang sila ng tatlo bilang hudyat para halikan ni Maine si Alden sa pisngi.

Subalit sa aktong hahalik na ang dalaga sa pisngi ng binata, biglang humarap si Alden kay Maine upang magtama ang kanilang mga labi.

Napuno ng hiyawan ang loob ng studio dahil sa nasaksihan nilang eksena.

Tila ginaya kasi ni Alden ang Bossing movie ng kasamahan nila sa programa na si Vic Sotto.

Sa episode ng Eat Bulaga! noong February 25, Huwebes, sa pagdiriwang ng 32nd weeksary ng AlDub, muntik na ring naghalikan sa labi sina Alden at Maine.

Read: Did Alden Richards kiss Maine Mendoza on the lips?

MAINE'S FAMILY APPROVES OF ALDEN. Pagkatapos ng tuksuhan, sumunod na tinawag at lumabas sa stage ang pamilya ni Maine, dahilan upang lalong tuksuhin si Alden.

Pero base sa reaksiyon ng ina at mga kapatid ni Maine, mukhang boto sila para kay Alden.

Unang nagbigay ng birthday message ang ama ni Maine na si Teodoro Mendoza.

Sabi nito, “Happy birthday, Maine. Wala na akong masasabi. Lahat nasabi na nila.

“Gusto ko lang magpasalamat sa bumubuo ng Eat Bulaga na nagbigay ng break sa kanya, na-discover kung anuman meron siya at sa kasalukuyan ay ini-improve.”

Nagpasalamat din ang ama ni Maine sa lahat ng mga tagasuporta nina Maine at Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami naman ang kinilig sa bungad ng ina ni Maine na si Mary Anne Mendoza: “Congratulations, Alden!”

Pero dagdag na biro ni Mrs. Mendoza, “Alden, I deserve an explanation.

“I'm giving you 24 hours to give me an explanation. Hindi kami na-orient dito,” na ang tinutukoy ay ang paghalik ng aktor kay Maine.

Mensahe naman niya para sa anak, “Meng, happy birthday. Lagi mong tandaan, anumang mangyari, nandito kami sa tabi mo.

“We will be your number one supporter, maging mahirap man, masarap, maligaya, malungkot, narito pa rin kami sa inyo.”

Sumunod na bumati ang panganay na kapatid ni Maine na si Nicolette.

Aniya, wala na siyang mahihiling pa para kay Maine dahil “you're finally living the dream,” at pinaalalahanan lamang niya itong huwag kalimutang magdasal.

Sumunod na bumati ang kuya ni Maine na si Nico.

“Bago ako bumati kay Maine, puwede munang maka-apir sa 'yo, Alden. Galing mo, Alden!”

Mensahe naman ni Nico kay Maine, pagbutihan pa nito ang ginagawa dahil marami itong napapasaya.

Ganito rin ang ginawa ng bunsong kapatid ni Maine na si Dean na bumati sa ginawang paghalik ni Alden kay Maine.

Sabi pa ni Dean, ipagpatuloy ni Maine ang ginagawa nito.

Huling bumati ang isa pang kapatid na babae ni Maine na si Coleen, na sinabing masaya siya sa achievements nito.

Ibinuking naman ni Maine ang kapatid niyang ito ang talagang may crush kay Alden.

Pero nang tuksuhin ni Allan K si Coleen, na si Alden ay para kay Maine, sagot ng kapatid ni Maine: “Boto naman ako, e.”

Reaksiyon naman ni Alden sa pagiging boto ng pamilya ni Maine sa kanya: “Yes!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN