Talent manager Cornelia "Tita Angge" Lee hospitalized after heart attack

Talent manager Cornelia Lee, also known in the local showbiz industry as Tita Angge, suffered a heart attack Saturday night, March 5, and was rushed to the Cardinal Santos Medical Center, San Juan, where she remains in critical condition


Kritikal umano ang kondisyon ng talent manager na si Cornelia Lee, o mas kilala sa showbiz bilang si Tita Angge, matapos siyang atakihin sa puso ngayong Sabado ng gabi, March 5.

Sa panayam kay Sylvia Sanchez, malapit na kaibigan ni Tita Angge, sa dZMM ngayong gabi, kasama sina Ogie Diaz at MJ Felipe, sinabi ng aktres na nasa emergency room sila ng Cardinal Santos Medical Center San Juan, kung saan isinugod ang pasyente.

“Dasal po tayo, kailangan natin ng dasal kay Tita A, very critical yung kalagayan niya,” ani Sylvia sa pamamagitan ng telepono.

Dugtong pa ng aktres, “Pero lumalaban si Tita A, lumalaban, kasi kanina pagdating dito, matigas na talaga siya.

“Actually, dumating siya dito sa ospital dead-on-arrival, tapos ni-revive siya rito.

“After 15 minutes, bumalik yung pulso niya.

“But still, sinabi critical siya within two hours sa loob ng (oras na iyon) sinabi ng doktor kaya dasal talaga.”

Nasa Greenhills daw si Tita Angge kasama ang kanyang secretary at pamangkin nang atakihin sa puso.

Isinugod daw siya sa ospital at tinawagan si Sylvia na malapit lang sa lugar, kung kaya't tumakbo na rin ito sa ospital.

Sinabi rin ni Sylvia na may diabetes si Tita Angge at hinimok na ipagdasal ito para bumuti ang kalagayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN