Alden Richards on birthday surprises for Maine Mendoza: "Wala pong halong ka-showbizan... everything was real."

"Yung ganung ka-special na [occasion] sa buhay ng tao dapat pinaghahandaan," says Alden Richards on his birthday surprises for Maine Mendoza.


Kinumpirma ni Alden Richards na siya raw talaga mismo ang nag-isip at naghanda ng kanyang birthday surprises para sa onscreen partner niyang si Maine Mendoza.

Noong March 3 pa ang aktuwal na ika-21 na kaarawan ng Dubsmash Queen, ngunit nagdiwang pa rin siya sa Kalyeserye episode ng Eat Bulaga nitong nakaraang Sabado, March 5.

Sabi ni Alden sa isang panayam ng GMAnetwork.com, “Yes [ako nga ang naghanda] for Eat Bulaga.

“[Kasi] yung ganung ka-special na day, yung ganung ka-special na [occasion] sa buhay ng tao, dapat pinaghahandaan.”

Paglilinaw pa niya, “Yung episode po ng Kalyeserye kanina [March 5 episode], wala pong halong ka-showbizan ang nangyari doon, everything was real.”

Ang inihandang sorpesa ni Alden ay mga regalong ayon sa mga letra ng pangalan ni Maine.

Una dito ang M para sa medallion—ang Saint Benedict Medallion na magsisilibi raw na proteksyon ni Maine.

Pangalawa naman ang A, para sa alaga na dalawang lovebirds. I is for illustration, na isa namang framed caricature ni Alden and Maine.

N is for notebook at ang pinakahuli naman ay E na ayon kay Alden ay, "for your [Maine's] eyes only."

Masaya naman ang Pambansang Bae na naging maayos ang kinalabasan ng kanyang birthday surprises para kay Maine.

Aniya, "Very successful [yung birthday niya] I mean, all the plans were executed well.

"I mean, yung surprise ko sa kanya, happy ako na na-appreciate niya yun.

"At sana magkaroon pa ng maraming ganung celebration sa Eat Bulaga.

"And very happy ako na happy si Maine sa naging outcome ng birthday niya."

BASHERS & SUPPORTERS. Samantala, nagbigay din ng reaksyon si Alden sa mga bashers nila ni Maine.

Sabi niya, “Marami naman po talaga.

“These past few weeks, ayaw nila tumigil; marami sila laging sinasabi.

“Yun na lang, sa kanila, kung doon sila masaya, we’ll give it to them. This is a free country naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin siya sa mga fans na patuloy pa ring nagtitiwala at sumusuporta.

Aniya, “Ang maganda naman po kasi sa AlDub Nation, hindi naman sila naniniwala sa mga [hinihirit] ng mga detractors.

"Stay happy, kapit lang kaming dalawa because there are a lot of people who will try to bring us down."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN