Wenn Deramas finally laid to rest

Box-office director Wenn Deramas, together with sister Mary Ann, were finally laid to rest at Himlayang Pilipino in Quezon City this Sunday, March 6.


Sabay na inihatid sa kanilang huling hantungan sina Wenn Deramas at ang kanyang kapatid na si Myra Ann Deramas ngayong tanghali, March 6, sa Himlayang Pilipino, Quezon City.

Sumakabilang-buhay ang batikang direktor noong Lunes, February 29, sa Capitol Medical Center, Quezon City, 6:15 A.M. matapos nitong atakihin sa puso. Naunang binawian ng buhay si Mary Ann dahil sa complications mula sa diabetes.

Ang libing ay dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan, at mga kilalang artista ng ABS-CBN; gayundin ang ilan sa mga business executives ng nasabing television network na malapit sa tinaguriang box-office director.

Ito ay pinangunahan nina Vice Ganda, Claudine Barretto (kasama ang kanyang inang si Inday Barretto), Candy Pangilinan, Eugene Domingo, at Atak.

Naroon din sina Karla Estrada, Cherry Pie Picache, BB Gandanghari, at Gladys Reyes.

Ayon sa Twitter account ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, bago naibaba sa hukay ang mga labi nina Direk Wenn at Myra, nag-alay muna ng isang kanta ang kanilang kapatid na si Meryl Deramas.

Dumagsa rin sa Himlayang Pilipino ang mga fans na kahit tirik ang araw ay naghintay para sa libing ni Direk Wenn.

Nagpalipad din ng mga lobo, paru-paro, at confetti pagkatapos ng libing. 

Samantala, may ginanap din na 10 A.M. mass sa Dolphy Theater ng ABS-CBN para kay Direk Wenn, bago ihatid sa Himlayang Pilipino ang kanyang mga labi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN