PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Hindi na napigilan ng beteranang aktres na si Vivian Velez ang kanyang sama ng loob at nararamdaman sa pambabastos daw sa kanya ni Cristine Reyes sa set ng Tubig at Langis. Eksklusibong kuwento ni Vivian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "The straw that broke the camel's back was when we shared a designated standby room and she asked me to leave the room because she wants it only for her own. She bangs the doors, shouted at me."


Ginulat ng veteran actress na si Vivian Velez ang kanyang Facebook friends at followers sa status update niya ngayong Linggo ng hapon, March 6.

Nakasaad sa kanyang post: “With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, "Tubig at Langis." I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!”

With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the...

Posted by Vivian Velez on Saturday, March 5, 2016

Noon pa man ay nagparamdam na ang aktres na may isa siyang kasamahan sa show na hindi maganda ang pakikitungo sa kanya.

May mga nagdududa na si Isabelle Daza ito, ngunit nabura ang lahat ng ito nang mag-post si Vivian ng mga magagandang salita tungkol sa anak ni Gloria Diaz.

Sabi niya: “Meet Clara... ang magwawasak kina Irene at Natoy. Isabelle Daza is so wonderful to work with, love her working attitude ... â�ª#‎TubigAtLangis â�ª#‎TALimbitasyon.”

Meet Clara... ang magwawasak kina Irene at Natoy. Isabelle Daza is so wonderful to work with, love her working attitude ... #TubigAtLangis #TALimbitasyon

Posted by Vivian Velez on Tuesday, March 1, 2016

“YES, NO ONE ELSE.” Ilang minuto pagkatapos niyang mag-status update sa kanyang Facebook account, kaagad nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vivian sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Diretso namin siyang tinanong: “Ma'am, si Cristine po ba ang tinutukoy mo?”

Ilang sandali lamang ay sumagot kaagad si Vivian.

Walang paliguy-ligoy niyang sabi: “Yes, no one else... Isabelle Daza is such a sweet lady. She was crying for me so hard when the incident happened. She can't imagine if this was done to her mom.”

Sina Isabelle at Cristine ang mga bidang babae sa Tubig at Langis, at si Zanjoe Marudo naman ang kanilang leading man sa panghapong serye na ito ng ABS-CBN.

"THE RUDEST THING." Kasunod naming inusisa kay Vivian ang buong pangyayari.

Paano ba siya binastos ni Cristine? Ano ba ang nangyayari sa set na hindi alam ng publiko?

Kuwento ni Vivian, “The straw that broke the camel's back was when we shared a designated standby room and she asked me to leave the room because she wants it only for her own.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She bangs the doors, shouted at me. She keeps on singing 'Goodbye, Farewell' in front of my face while we are rehearsing.

“She complained to the production staff why they are nice to me and she should be the priority all the time. And many other instances of rudeness that is uncalled for.”

Kailan ito nangyari?

Tugon ni Vivian, “It's been happening for a month now but the room incident happened a week ago and then last night

“It was the rudest thing anyone had ever done to me.

“Last night in Bulacan, while we were rehearsing for a scene.

“I was crying my heart out. Zanjoe was the one who made awat. He was such a gentleman.

“He accompanied to my car and said sorry that this happened to me.

“Isabelle and Ms. Tet, the producer, never left my side and cried with me.”

Pinayagan na ba siya ng production sa kanyang pagre-resign sa show?

Ayon kay Vivian, “I'm meeting with them tomorrow, but as I said, irrevocable resignation.”

Nagpadala na kami ng mensahe sa kampo ni Cristine at kaagad naming ilalathala ang kanyang panig kapag may pahayag na ang aktres.

Samantala, bukas din ang PEP sa pahayag ng ibang mga taong nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN