Barbie Forteza bags Best Actress award at Portugal filmfest

Kapuso actress Barbie Forteza won the Best Actress award at the 36th Fantasporto International Film Festival in Porto, Portugal, for her portrayal in the indie film Laut. The movie also garnered a Special Mention of the Jury citation.


Nanalo ng kanyang kauna-unahang international Best Actress award ang bida ng GMA-7 primetime teleserye na That’s My Amboy na si Barbie Forteza para sa pinagbidahan niyang indie film na Laut.

Tinanghal bilang Best Actress si Barbie sa 36th Fantasporto International Film Festival in Porto, Portugal na ginanap ngayong March 6.

Natanggap din ng pelikulang Laut ang Special Mention of the Jury sa nasabing international film festival.

Ang director ng Laut na si Louie Ignacio ang tumanggap ng award ni Barbie at agad niyang binalita ito sa Kapuso teen actress sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Congratulations @barbaraforteza for winning Best Actress for LAUT- 36th Fantasporto International film Festival , Oporto, Portugal!!!! Soooo proud of you Barbie!!!!!! International Best actress ka na!!!!! Love you!!!” caption pa ni Direk Louie.

Sa isa pang post ay makikita ang certificate ng Special Mention of the Jury Prize para sa Laut.

“Congrats Team Laut and @barbaraforteza wagi tayo !!! Special Mention of the Jury prize and Best actress for @barbaraforteza !!!! Mabuhay ang Indie !!!!' Mabuhay ang Pilipinas” caption pa ni Direk Louie.

FIRST CHOICE. Ayon pa kay Direk Louie, first choice niya si Barbie para sa lead role sa Laut pagkatapos niya itong mapanood sa indie film na Mariquina kunsaan nanalo ang aktres ng Best Supporting Actress award sa Cinemalaya Independent Film Festival.

“Hindi ako nagkamali sa first choice ko! Barbie, sobrang laki ng tiwala ko sa'yo!

“So proud of you! And from the whole Laut team, congratulations!” masayang pahayag pa ni Direk Louie.

Ang Laut (originally titled Mga Isda Sa Tuyong Lupa) ay isang advocacy film ni Direk Louie na tumatalakay sa katutubong Badjao community sa Mindanao.

Unang pinalabas ang Laut sa Singkuwento International Film Festival noong nakaraang February 19.

Hindi makapaniwala si Barbie sa kanyang pagkapanalo ng Best Actress sa Portugal.

Nag-tweet ito agad ng mga salitang “Muito obrigado,” o thank you sa Portuguese, kay Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito naman ang nilagay niyang comment sa Instagram post ni Direk Louie.

“Congratulations, Direk!!!!!!! Maraming salamat po sa tiwala! @lagdameolouie”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN