Francis Magundayao denies he's the one in yet another leaked video scandal

On being cast as a supporting character in I Love You So, Francis Magundayao asserts there is no small role only bad actors. He says, "I trust the decision of the management, I trust whatever decision they make. I'm very honored and humbled na natapos kami with good outcome."


Paninira lamang daw sa Kapamilya young actor na si Francis Magundayao ang usap-usapang mayroon din diumano siyang video scandal.

Sabi ni Francis, “What can I say about that?

“In showbiz, marami talagang maninira sa iyo, for sure, kahit magaling kang aktor.

“Even if you think you are a good person in general, someone will try to break you down.

“And I think someone is trying to break me down right now.

“I’m not shaken, not at all, because I’m sure maraming tao ang nagsu-support sa akin… kahit non-showbiz.”
 
Dagdag pa niya, “I can say that lagi akong tinitira, I’m a victim, but hindi ako nagpapaawa.

“Hindi ako lumalabas na kawawa because I’m confident with myself na hindi ko kayang gawin yun.

“Sinisira lang nila ako.”
 
Labis naman ang pasasalamat ng batang aktor sa lahat ng taong sumusuporta sa kanya sa kabila ng lumabas na isyu.

Aniya, “Right now I believe that my fans are standing by my side, that’s enough already.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Francis sa backstage ng Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World Manila, kung saan ginanap ang 32nd Star Awards for Movies, nitong Linggo ng gabi, March 6.

SMILE AND FORGIVE. Saad pa ng 16-year-old actor, “All I can say is kung sinuman ang gumagawa nun at sa ibang artista, that’s not right.

“Bahala na ang Diyos sa inyo. I’m just gonna stand here and be confident dahil alam ko naman ang totoo.
     
“It’s really unfair, we don’t focus on those things kasi hindi naman siya importante.

“Hindi naman siya dapat pinagtutuuunan ng pansin.

“Kung maayos kang tao, hindi mo pagtutuunan ng pansin ang mga ganitong bagay.

“Kung talagang matalino ka at sumusunod ka sa mga utos ng Diyos, you stand on the right thing, on the right path.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Shove off everything that’s negative coming from other people kahit kaaway mo siya.

Ayon kay Francis, matagal na niyang napatawad kung sinuman ang nagkakalat ng malisyosong balitang ito tungkol sa kanya.

“Demanda? Feeling ko lang kasi nakakaubos ng oras, e. Pinatawad ko na siya, sino man siya.

“Kahit hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko alam kung ano ang mukha niya, kung ano ang gender niya.

“Kung sino man ang nang-aaway sa akin at sa ibang artista, I forgave him or her already, right away.

“It’s the smartest thing to do, kaysa magdala ka ng grudges, mas magandang ngumiti ka na lang.”

SUPPORT SYSTEM. Hindi naman itinatago ni Francis na naaapektuhan pa rin siya kapag may intrigang ipinupukol sa kanya, pero naturuan na raw niya ang sarili na hindi masaktan nang sobra.
  
“Well, siyempre tao lang ako, there are times na talagang napapatahimik na lang ako.

“I just look myself at the mirror, 'Is it right? Is it bad?'

“At the end of the day, I just pray, ask for guidance, talk to my parents.

“So far, dun ko siya naha-handle—talking to my parents, supporters and fans.

“The people who are really close to me, I just talk to them and get strength fro them.”
 
Patuloy ng And I Love You So actor, “There are really tons of issues coming out, I’m just trying to keep positive with every outcome kahit bad, kahit good.

“I’m just trying to be positive in every way. 

“Sinusubukan ko munang i-brush off kasi it doesn’t really matter, you just waste your time.

“Kung negative outcome siya, negative issue, just brush it off, walk with your head up high.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN