PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes: "I will not support a lead actress like her."

Tatapusin na lamang ni Vivian Velez ang ilang mga eksenang nakalatag na para sa teleseryeng Tubig at Langis. Wala na raw siyang balak pang tapusin ang show at ayaw na niyang makita at makaeksena pa ang lead actress nitong si Cristine Reyes.


Maayos ang naging takbo ng pag-uusap ni Vivian Velez at ng mga namamahala sa ABS-CBN afternoon drama series na Tubig at Langis ngayong Lunes ng hapon, March 7.

Si Vivian ang humiling ng meeting na ito sa produksiyon matapos ang kanyang “irrevocable resignation” sa show dahil sa pambabastos umano sa kanya ni Cristine Reyes sa set ng kanilang teleserye.

Si Cristine ang lead actress at si Vivian naman ang gumaganap na main kontrabida sa Tubig at Langis, ngunit tila kabaligtaran ito sa nangyayari sa likod ng kamera.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Alas-tres ng hapon ang meeting ng aktres sa ABS-CBN management kanina.

Pero bago ang nasabing meeting, sinabi ni Vivian sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal) na magsisilbi na rin itong “maayos na pamamaalam” niya sa programa.

Pagkatapos ng kanilang pulong, nagbigay ng ilang eksklusibong detalye si Vivian sa PEP, sa pamamagitan ng text message at Facebook private messaging, kung ano na ang mangyayari sa kanyang character sa Tubig at Langis.

Lahad ng veteran actress, “Meeting went well.

“I agree to go back to the set to shoot some unfinished scenes... 3 to 4 days max.

“Of course, I requested that no scenes of mine should be taken with Cristine.”

Marami pa raw silang napag-usapan ngunit sa kanila na lamang daw ito.

Pinanindigan din ng tinaguriang ‘Miss Body Beautiful’ noong dekada ’80 ang kanyang naunang pahayag na hindi na siya magpapatuloy pa sa teleserye.

Aniya, “I don't want to discuss what we talked about Cristine.

“Regarding my character on the show, they have no choice. My resignation is irrevocable.

“I will not support a lead actress like her.”

“ININTINDI KO MUNA SIYA…” May ilan ding nagtatanong kung bakit hindi nilabanan ni Vivian si Cristine noong nagdabog at nagparinig ito sa kanya sa kanilang dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Vivian, “Because I didn't want the taping to be disrupted.

“Also, inintindi ko muna siya hanggang kaya ko.”

Tungkol naman sa pag-iyak ni Isabelle Daza, na co-star nila sa teleserye, sabi ng aktres, “She said she has so much respect for me and she can’t imagine if this happens to her mom, it will be painful. Naawa siya sa akin.”

Si Isabelle ay anak ng veteran actress at dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Sabi pa ni Vivian, “I still have a lot to say but I'll keep it to myself muna.”

Sinubukan ng PEP na kunan ng pahayag ang kampo ni Cristine buong araw ngayong Lunes. Magpapadala raw ito ng official statement sa PEP anumang oras ngayong gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN