John Prats excited and nervous about the birth of Baby Feather

"Hindi ko alam, kinakabahan talaga ako sa part na yun. Masakit, e. Baka ako yung mahimatay agad!" says John Prats when asked how he feels about the arrival of his and Isabel Oli's first child.


Isa na namang sorpresa ang inihanda ni John Prats para sa kanyang asawa, ang soon-to-be-mom na si Isabel Oli.

Kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan, isang baby shower ang inihanda ni John para kay Isabel sa Le Jardin Manila. sa Bonifacio Global City, Taguig, kahapon, March 6.

“Pinilit ko lang talaga siya. Hindi niya alam na para sa kanya talaga ang party na ito,” sabi ni John nang makapanayam siya at ang kanyang misis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News.

Kuwento naman ni Isabel, “Parang bakit pa ako kasama, kayo-kayo na lang 'yan.

"Pero sabi niya, 'Basta, mag-ayos ka, mag-dress ka. Ayaw ko talagang umalis.”

Ayon naman kay John, “Mahirap talaga i-surprise, pero buti na lang nandiyan ang Prats family to support and fix everything here.”

Namataan sa naturang okasyon ang mga malalapit na kaibigan nina John at Isabel sa showbiz; katulad ni Kaye Abad at ng kapatid nitong si Sarah Abad, kasama ang asawa nitong si Jay Contreras.

Naroon din ang best buddies ni John na sina Sam Milby, Gerald Anderson, Erik Santos, at Robi Domingo.

Isa naman sa mga punong-abala sa okasyon ang kapatid ni John na si Camille Prats.

Surprise, soon-to-be mom @isabeloliprats! #ApricaLovesBabyFeather

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

NERVOUS AND EXCITED. Nakatakdang manganak si Isabel sa kalagitnaan ng Abril.

Aminado si John na ngayon pa lamang ay magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman niya.

“Actually, kinakabahan ako in the process kapag nandiyan na.

“Hindi ko alam, kinakabahan talaga ako sa part na 'yon.

“Masakit, e. Baka ako yung mahimatay agad!” natatawang sabi ni John.

Gayunman, siniguro niyang makakarating siya sa oras na manganak si Isabel.

“Sabi ko nga, kahit ano ang work ko noong araw na yun, I have to be there. Just go to her and be there,” sabi ni John.

Umaasa si Isabel na maging normal ang panganganak niya kay Baby Feather.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN