PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes hopes to "clear the air" with Vivian Velez, says Ara Mina

Ayon kay Ara Mina, hindi pa handa na magbigay ng buong pahayag ang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes tungkol sa dressing-room incident na nangyari sa kanila ng kanyang co-star sa Tubig at Langis na si Vivian Velez.


“Blown out of proportion.”

Ito ang bahagi ng eksklusibong pahayag na ipinadala ni Ara Mina, kapatid ni Cristine Reyes, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Viber, bandang alas-dos ng madaling-araw ngayong Martes, March 8.

Nakausap din ng writer na ito si Ara sa pamamagitan ng text messaging at dalawang phone calls simula kahapon, March 7.

Ipinagtanggol ni Ara ang nakababatang kapatid laban sa lumalaking isyu nito sa co-star niya sa Tubig at Langis na si Vivian Velez.

Matatandaang nagsumite ng irrevocable resignation si Vivian sa kanilang panghapong serye sa ABS-CBN dahil daw sa pagiging “rude” sa kanya ni Cristine.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Ayon kay Ara, sa ilang beses na pag-usap nila ni Cristine, pinabulaanan nitong pinaalis niya si Vivian sa kanilang dressing room nitong nakaraang taping nila sa Bulacan.

“I heard what happened between Ms. Vivian Velez and my sister Cristine.

“I'm disheartened that the issue has been blown out of proportion.

“Alam namin that people have already judged and speculated bago pa nila bigyan si Cristine ng pagkakataon na magpaliwanag, hence, I decided to release this statement instead.

“I had a talk with my sister and she aired her side of the story.

“As much as I want to elaborate, I'd rather not to.

“And I'm not in the position since I was not physically present in the incident and not to put more fuel to the fire.

“Maybe she'll give her statement when she's ready.”

Nitong nakaraang Lunes, March 7, nakipagpulong si Vivian sa production team ng Tubig at Langis para talakayin ang naturang insidente.

Sabi ng veteran actress, maayos ang naging takbo ng meeting at pumayag siyang bumalik sa taping sa loob ng tatlo o apat na araw upang tapusin ang mga nabinbin niyang eksena, at para magkaroon din siya ng maayos na exit sa series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes: 'I will not support a lead actress like her.'

"MISUNDERSTOOD." Sa pagkakakuwento ni Cristine kay Ara, na-“misunderstood” daw ang kanyang nakababatang kapatid nang paalisin nito sa dressing room si Vivian.
Utos daw iyon ng production dahil gagamitin ang dressing room sa isang eksena.

Gusto raw kausapin ni Cristine si Vivian para magpaliwanag, pero tumanggi raw ang veteran actress.

Saad ni Ara sa eksklusibong pahayag niya sa PEP, “Actually, gusto niya kausapin si Ms. Vivian to clear the air out, and para maintindihan ni Ms. Vivian what really transpired between her and the room assignment.

“However, Ms. Vivian was quoted na tumangging makipag-usap sa kanya.

“But I hope na maayos ito, and lahat naman ay nadadaan sa maayos at magandang pag-uusap.

“I'll pray and wish that everything will be okay between the two of them.”

Bukas ang PEP sa anumang statement na manggagaling mismo kay Cristine, at sa karagdagan pang statement, kung meron man, mula kay Vivian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN