Danica Sotto-Pingris excited to have a sibling from Vic and Pauleen

Danica Sotto-Pingris on dad Vic Sotto and his new wife Pauleen Luna: "In God's grace now, I can see that they are really happy. I can really say also na masayang-masaya talaga sila sa isa't isa, na pati kami masaya."


Excited na rin daw si Danica Sotto-Pingris na magkaroon ng bagong kapatid sa amang si Vic Sotto at sa bago nitong asawa na si Pauleen Luna.

Si Danica ang panganay sa apat na anak ni Vic; ang tatlo pa ay sina Oyo, na kapatid na buo ni Danica sa ina nilang si Dina Bonnevie; si Vico, anak ni Vic kay Coney Reyes; at si Paulina, anak ng comedian-TV host kay Angela Luz.

Ikinasal si Vic, 61, kay Pauleen, 27, noong January 30 ng taong kasalukuyan.

Sabi ni Danica tungkol sa pagkakaron ng bagong kapatid, “Siyempre, why not, di ba?

“I’m sure ‘yan naman ang isa sa inaasahan pag nag-aasawa, di ba?

“I’m sure darating yun and I’m very excited for them.”

Ayon pa kay Danica, 32, nakikita niya ngayon kung gaano kasaya ang ama kay Pauleen.

“Very happy at masasabi ko talaga na masayang-masaya siya.

“Nakikita ko silang dalawa na talagang maganda yung dynamics nilang dalawa, maganda yung samahan.

“Hindi ko inakala na magiging ganun kasi bata si Pauleen.

“Pero napakalawak ng pag-iisip niya, very mature na talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Danica sa Fab Out event ng Watson’s noong Sabado, March 5.

CLARIFICATION. Muling nilinaw ni Danica ang naging isyu noon na tutol silang magkakapatid sa pagpapakasal ng kanilang ama kay Pauleen.

Saad niya, “Parang hindi naman sobrang gap yung nangyari.

“I think parang it’s a normal reaction sa aming magkakapatid.

“Ang issue kasi, si Daddy kasi, nasanay kami na single for a long time, tapos papakasal siya.

“It’s not nagalit ba kami, it’s more of concern.

“And siyempre, may bago tayong makakasama sa family, so talagang nandun kami sa stage na kinikilala muna naming ang isa’t isa.

“In God’s grace now, I can see that they are really happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can really say also na masayang-masaya talaga sila sa isa’t isa, na pati kami masaya.”

Dagdag ni Danica, “Normal lang naman yun.

“Kasi nung ako din naman ikinasal, si Daddy din, parang ‘Sino ba ‘yang guy na ‘yan?’

“Ganun lang talaga, siyempre pamilya mo ‘yan.

“I’m sure sa side ni Pauleen, ganun din sila.

“Ang maganda lang ngayon, masaya na ang lahat.”

NINE YEARS. Sa parte naman ni Danica, nananatiling matatag ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Marc Pingris.

Sa katunayan, kamakailan ay ipinagdiwang nila ang kanilang ninth wedding anniversary.

Pahayag ng TV host, “Akalain ninyo, umabot ng nine years, but we have a long way to go pa.

“May mga pa-roses pa, regular yun. Kasi si Marc talaga, makulit, so no dull moments.

“Minsan ako na ang nagsasabi na, ‘Teka lang, teka lang, relax.’

“Kasi parang di mo alam kung ano ang gagawin niya sunod, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN