Aiza Seguerra calls for a change in the 'awful' production system

Aiza Seguerra makes a call to change the awful system in showbiz production, which he said is literally killing people, who are part of the production team, following the recent deaths of two directors due to cardiac arrest.


Nag-post ng panawagan ang singer-actor na si Aiza Seguerra bunsod ng sunud-sunod na insidente ng pagkamatay ng mga taga-showbiz industry, partikular na ang mga direktor, dahil sa atake sa puso o cardiac arrest.

Nagkaroon ng cardiac arrest at pumanaw si Direk Wenn V. Deramas noong February 29.

Atake sa puso ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng direktor ding si Francis Pasion noong March 5.

Inatake rin sa puso ang talent manager at talent coordinator na si Cornelia “Tita Angge” Lee noong Sabado ng gabi, March 5, at comatose sa kasalukuyan.

Nitong Lunes, March 7, nag-post ang filmmaker na si Quark Henares sa kanyang Facebook account ng mensahe, kung saan sinabi niyang “horrible working hours and conditions” ang posibleng dahilan kung bakit nagkaroon ng cardiac arrest ang mga nabanggit na direktor at iba pa.

Sinabi rin ni Quark na may ibang mga tao pa behind the camera ang inatake sa puso; kagaya ng stuntmen, cameramen, assistant directors, at crew.

Read: Quark Henares blames 'horrible working hours' as cause of death of directors

March 7 din ng gabi nang mag-post si Aiza ng panawagan sa kanyang Facebook account.

Dito binanggit ni Aiza ang aniya'y mas dehadong kalagayan ng production people o ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera.

Simula ng singer-actor, “More than the actors and actresses, ang mas dehado sa nangyayari ay ang mga nasa production.”

Idinetalye rito ni Aiza ang walang tigil na trabaho ng mga nasabing tao at ang dami ng stress na kanilang sinasalo.

“They basically work 7 days a week. Taping, pre-prod, meetings.

“Sila ang sumasalo ng stress na ibinibigay ng management ng networks at ng mga artista.

“Early call time, late pack-up, didiretso pa sa pre-prod para sa susunod na taping.

“Wala silang pahinga at all pag nasa taping. Wala sila sa air-con tent. Wala silang higaan.

“Kung umidlip man, panakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na nila nakikita ang mga pamilya nila. Wala silang panahon magbakasyon. Walang cut-off.”

Nanawagan si Aiza sa mga kapwa niyang taga-industriya upang mabago ang sistema.

“Sa mga recent na pangyayari, dapat lahat tayo ng nasa industriya magsama-sama.

“Hindi lang mga artista pero tayong lahat.

“Mula sa mga direktor, mga bankable na artista ng mga networks at film productions, staff and crew.”

Sabi pa niya, mas pinipili ng marami na manahimik na lamang sa kabila ng ganitong sistema sa takot na mawalan ng hanapbuhay.

“Matagal nang may guild ang mga nasa industriya, pero lahat takot dahil kapag umangal, hindi bibigyan ng trabaho.

“Malakas ang loob ng mga mga networks at film productions dahil para sa kanila, lahat dispensable.

“Madaling palitan ang mga umaangal ng mga taong gagawin ang lahat makapasok lang sa industriya.

“This awful system will only change kung willing ang lahat magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.”

Samantala, sinabi ni Aiza na habang hinihintay pa ang pagbabago, mas makabubuti kung ang mga taong bahagi ng production ay maging mabait sa isa't isa, kagaya ng pag-iwas sa sigawan at murahan upang maiwasan din ang stress.

“For the meantime, habang wala pang nangyayaring pagbabago, I think malaking tulong din if we're kind to each other.

“Nakakabawas din sa stress 'yon kung harmonious ang paligid natin kesa nagsisigawan at nagmumurahan.”

Panghuli, pakiusap ni Aiza, “Sana maayos na ang bulok na sistemang to na literal pumapatay sa mga taong nasa industriya.

“Kailangan magsama-sama. Kailangan magkaisa kung gusto nating mabago at itama ang systema.”

More than the actors and actresses, ang mas dehado sa nangyayari ay ang mga nasa production. They basically work 7 days...

Posted by CY Diño Seguerra on Monday, March 7, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN