Xian Lim waiting for the right time to publicly announce real score with Kim Chiu

Is Kim Chiu 'the one' for Xian Lim? The Kapamilya actor says, "Mahirap namang... huwag naman tayong... I want to leave a room for surprises. Mahirap naman po kasi na... parang ipa-plot na natin na 'til the end, e. Let's leave room for surprises."


Sinabi ni Xian Lim na naghihintay lang siya ng tamang panahon para aminin sa publiko ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.

Ang tanong: Kailan ba ang tamang panahong ito?

Sagot ng Kapamilya actor, “Hay naku, mahirap!

“Kasi, kapag naglagay tayo ng exact date, e, baka naman... Di ba? Mahirap!

“It's not gonna be spontaneous, it's not gonna be... mahirap mag-set ng real time.”

Ang mahalaga raw kay Xian, ramdam niya na ang pagmamahal ni Kim sa kanya ay halos kapantay ng pagmamahal na ipinadadama niya rito.

“Of course, of course!

“Kanina nga, tinanong nga ako kung ano nga ba talaga.

“And I'm doing my best to answer questions as to our story.

“And as for our story, the story of us, is talagang nagmamahalan kami ni Kim.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa grand presscon ng teleseryeng The Story of Us, na ginanap sa 9015 restaurant ng ABS-CBN, kahapon, March 8.

ANOTHER STORY. Bakit nga ba hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin si Xian na ipahayag sa publiko ang totoong estado ng relasyon nila ni Kim? Ano ang nagpipigil sa kanya para gawin ito?

Paliwanag niya, “Baka kasi kapag masyado kang maging open, baka lang kasi madagdagan, magkaroon ng bawas, magawan pa po ng [ibang] istorya.

“But at the same time... yun nga, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari.

“Kapag may... sabihin na natin na may mga gawa-gawang istorya about our relationship.

“Masakit yun, masakit yun sa amin.”

Patuloy pa ni Xian, “Pero ang napag-usapan kasi namin ni Kim, just in case na magkakaroon kami ng misunderstanding, ayusin na kaagad namin.

“Hindi na namin kailangan pang mag-away sa Internet.

“Para lang... we also have to set an example.”

THE REVELATION. Napag-usapan ba nila ni Kim na siya ang dapat mag-reveal sa publiko kapag dumating na ang ‘tamang panahon’ na sinasabi niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Xian, “Yes, kasi ayoko namang ma-misquote si Kim.

“Maybe in anyway... I'm not sure.

“Maybe baka ma-misquote si Kim.

“Ako na lang po ang i-misquote niyo.”

Si Kim na ba talaga ang ‘the one’ para sa kanya na gusto niyang makasama forever?

Sagot ni Xian, “Mahirap namang... huwag naman tayong...

“I want to leave a room for surprises.

“Mahirap naman po kasi na... parang ipa-plot na natin na 'til the end, e.

“Let's leave room for surprises.

“Sabi nga ni Ms. Zsa Zsa [Padilla], 'Gugulatin na lang namin kayo.'

“Di ba, ang ganda nun?”

Sinabi rin ni Xian na kay Kim lang siya naka-focus at wala nang iba pang babae siyang tinitingnan sa ngayon.

PREGNANCY RUMOR. Ikinagulat naman ni Xian ang pregnancy rumor tungkol kay Kim, na itinanggi na ng aktres sa hiwalay na panayam.

Ayon pa nga sa balita, si Xian daw ang ama ng dinadala ni Kim.

Read: Kim Chiu laughs off latest pregnancy rumor

Reaksiyon dito ni Xian, “Ngayon ko lang din narinig ang isyung 'yan.

“Siyempre hindi.

“Nakakagulat lang... baka mag-tumbling ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN