Miles Ocampo waiting for right onscreen partner

Miles Ocampo has come a long way after Goin' Bulilit: "Thankful nga po ako dahil hindi ako masyadong dumating sa awkward stage. Kasi pagka-graduate ng Goin' Bulilit, ang hirap agad na makabalik ka. Ako po kasi, parang grumadweyt ako sa GB, gumagawa na ako ng mga mature roles sa MMK. So, parang kahit po paano, nakakatawid ako unti-unti."


Ayon kay Miles Ocampo, sa lahat ng naging kapareha niya, pinaka-natural ang tambalan nila ni Iñigo Pascual.

Silang dalawa ang magkapareha sa And I Love You So, ang panghapong teleserye sa ABS-CBN na pinagbibidahan din ni Julia Barretto.

Kumpara sa ibang love teams na kasabayan nila, wala namang kasiguraduhan kung sila pa rin ni Iñigo ang pagtatambalin sa susunod nilang mga proyekto sa Kapamilya network.

Saad ni Miles, “Siguro, based on my experience na ang dami ko na rin pinagdaanan, ang dami ko na ring naka-love team, parang sino ba talaga?

“Sino ba ang right for me, sino ang ganyan?

“Siguro kung meron man na bagong mapa-partner sa ‘yo, tao na lang ang magsasabi nun, e.

“Makikita na lang nila kung sino ba talaga ang tama for you.”

BACK TO DRAMA. Malapit nang matapos ang And I Love You So, ano ang naibigay nito sa kanya bilang artista?

Sagot ng young actress, “Siguro po yung parang… di ba po, matagal ako na napapanood lang nila sa sitcom, comedy.

“So, siguro po, para sa akin, nakatulong yung show na maitawid akong muli sa pagiging dramatic or sweet-sweet character.

“Kahit paano, naipakita ko naman po na nakakagawa naman ako ng mga drama.

“Na-miss ko po talaga na mag-drama, gumawa ng soap.

“Kasi noong bata ako, Goin’ Bulilit, pero nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] din naman ako.

“Mga drama po na ganun, Mga Anghel na Walang Langit... kaya masaya po ako na nakagawa ulit ako ng drama.”

SAD DAY. Speaking of Goin' Bulilit, kamakailan lang ay may mga batang artista na namang grumadweyt sa Goin’ Bulilit, ang kiddie gag show ng ABS-CBN kung saan nanggaling si Miles.

Ang graduation ang maituturing na pinakamalungkot na bahagi sa pagiging GB kids nila.

Pero isang bagay ito na hindi maiiwasan pagtuntong nila sa edad na 12 o 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naaalala pa raw ni Miles noong kinailangan niyang mag-graduate na sa nasabing programa.

Lahad niya, “Malungkot po talaga… for me, sa lahat ng shows na nawala ko, yung Goin’ Bulilit ang pinakamalungkot talaga.

“Kapag nandoon po kayo, para lang kayong naglalaro; it’s not work, ang saya-saya po.

“For four years, nasanay ako na every Saturday po, gigising ako, makakasama ko ang mga kaibigan ko.

“So, noong grumadweyt po kami, sobrang lungkot po talaga.

“Thankful nga po ako dahil hindi ako masyadong dumating sa awkward stage.

“Kasi pagka-graduate ng Goin’ Bulilit, ang hirap agad na makabalik ka.

“Ako po kasi, parang grumadweyt ako sa GB, gumagawa na ako ng mga mature roles sa MMK.

“So, parang kahit po paano, nakakatawid ako unti-unti.”

May maipapayo ba siya sa mga graduates ng Goin' Bulilit?

“Ang maipapayo ko lang sa kanila, maghintay lang sila.

“Minsan po kasi, hindi maiiwasan yung magkaroon ng awkward stage.

“Na ano ba ‘to, bata ba ‘to or ano?

“Parang ito yung stage na pausad ka pa lang sa growing part.

“Patient lang, darating din naman ang time na mabibigyan ka ng project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN