Lotlot de Leon reacts to daughter Janine Gutierrez's non-inclusion in Encantadia remake

Lotlot de Leon is a happy mom. She says, "Lahat ng mga anak ko… Ang sarap lang ng pakiramdam that they value my opinion, 'Ma, ano sa palagay mo, maganda ba yung ganito, okay ba yung ganyan?' Nakakatuwa that they trust my judgment."


Hindi raw ikinakasama ng loob ni Lotlot de Leon at ng anak niyang si Janine Gutierrez kung totoo ngang hindi pasok si Janine sa final cast Encantadia remake.

Noong mga nakalipas na linggo kasi ay matunog ang pangalan ni Janine na kasama sa remake ng naturang fantaserye ng GMA.

Pero recently, base sa mga umiikot na bali-balita sa social media, hindi pasok si Janine bilang isa sa mga sang’gre sa Encantadia.

Ang mga pangalang nabanggit, although hindi ito kinukumpirma ng GMA, ay sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at ang baguhang si Sanya Lopez.

Pahayag ni Lotlot, “Isipin na lang natin na merong mas magandang nakalaan para kay Janine, ganun.

“Na mas may magandang project na para sa kanya.

“Hindi ko sinasabing hindi magandang project ang Encantadia… classic ‘yan, di ba?

“Maihanay na ‘yan sa Panday, sa Dyesebel, sa Darna.”

Marami ang may gusto na makasama si Janine sa Encantadia, bagay raw dito ang maging sang’gre.

Flattered daw si Lotlot para sa anak, “Kasi nagkakaroon na siya ng sarili niyang identity.

“And people are already wishing her really good projects.

“Maybe because they see that malaki nga ang potensyal niya bilang isang artista.”

HAPPY MOM. Ikinatutuwa naman ni Lotlot na matatapos na ang biniling condo unit ni Janine.

Kaunting panahon at pag-aayos na lamang ay makakalipat na zng Kapuso young actress sa bago nitong tirahan sa San Juan.

Pagmamalaki ni Lotlot, “Proud ako kasi bunga iyon ng pinaghirapan niya.

“And yung success niya, siyempre success ko din.

“Nakaka-proud na magaling siyang mag-invest, marunong siyang humawak ng pera.

“Mas mayaman na siya sa akin!” tawa niya.

Masaya rin daw si Lotlot na hiningan siya ni Janine ng opinion at advice para sa disenyo at pag-aayos ng condo nito.

“Hindi lang naman kay Janine, e, sa lahat ng mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap lang ng pakiramdam that they value my opinion.

“Nagtatanong sila, ‘Ma, ano sa palagay mo, maganda ba yung ganito, okay ba yung ganyan?’

“So, nakakatuwa that they trust my judgment when it comes to that.”

Magsasama sina Lotlot at Janine sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, March 12, kung saan gaganap sila bilang aswang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN