Luis Manzano on Kapamilya Deal or No Deal end: "You have to be an optimist in everything you do."

Luis Manzano has no time to "emote" now that Kapamilya Deal or No Deal has gone off-the-air. "Life is too short para sa mga ganyang bagay… One year and half, e. That's an achievement of its own."


Anong nangyari at tinapos na ang game show niya na Kapamilya Deal or No Deal?

“Usapan dapat nga namin noon parang four months lang nung prinesent.

“The fact na nag-one year, e... saka sobrang bihira ang daily game show na nagwa-one year.

“Kasi ang tao ngayon napakaikili ng attention span.

“Kahit ako, isa ako sa mga ganoon na madaling magsawa sa kahit na anong palabas.

“So, the fact lang na umabot ng more than one year ang Deal or No Deal, ang laking bagay na noon.

“Kung hindi ako nagkamali, lumakas pa ang piso laban sa dolyar dahil sa Deal or No Deal,” biro ni Luis.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis nung huling araw ng burol ng yumaong direktor na si Wenn Deramas.


MORE PROJECTS. Kailan siya ulit gagawa ng pelikula?

“Wala, e, he-he-he. May dalawa pa akong show na gagawin kasi.

“Pero hindi, walang kinalaman yun sa Deal. Deal kasi has lived its life.

“Ah, you know, rest lang naman yun, babalik at babalik yun.

“Sabi ko nga, babalik ang Deal hindi para sa amin, kundi para sa mga manonood.

“One year and half, e. That’s an achievement of its own.”

Anong show niya ang matitira?

Celebrity Playtime, PGT [Pilipinas Got Talent].

“’Tapos yun nga, malapit nang mag-umpisa ang The Voice Kids.

“May isang game show din, bago, malapit nang umere.”

So, wala siyang time para mag-emote?

“Wala, wala.  Life is too short para sa mga ganyang bagay.

“You have to be an optimist in everything you do,” banggit pa ni Luis.

CAMPAIGNING SERVICES. Tumatakbo bilang representative ng 6th district ng Batangas ang ina ni Luis Manzano, ang incumbent Batangas Governor Vilma Santos.

Sa kasagsagan ng kampanya, kumusta silang mag-ina?
   
“Okey naman,” ngiti ni Luis.  “Katunayan, last Sunday magkakulitan kami.

“Doon ako nag-dinner sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikakapampanya ba niya ang kanyang daddy na si Edu Manzano at stepfather na si Senator Ralph Recto.

Parehong tumatakbo ang mga ito bilang senador sa nalalapit na halalan?

“Wala pa akong mabigay na araw, kasi may trabaho ako.

“Dalawa yung ginagawa ko ngayon na show.

“At mag-i-start na rin ako sa isa pang show na mag-i-start ulit, yung The Voice Kids.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN