Indie director Lemuel Lorca suggests ways to improve TV-film working conditions

Filmmaker Lemuel Lorca discusses how the difficult TV/film working condition could be changed for the better and how it can be attained.


Malungkot para sa samahan ng filmmakers sa Cinemalaya ang nangyari sa direktor na si Francis Pasion, na pumanaw noong March 5 dahil sa heart attack.

Bakas ang lungkot sa mukha ng filmmaker na si Lemuel Lorca nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kaibigang si Direk Francis sa isang presscon nitong Miyerkules, March 9.

“He’s a friend. Kapatid ko sa Cinemalaya ‘yan, so pare-pareho kaming mga Cinemalaya kids,” sabi ng direktor ng upcoming horror-comedy film na Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil, na pinagbibidahan nina Alex Medina, Kean Cipriano, at John “Sweet” Lapus.

Kuwento pa ni Direk Lemuel tungkol sa yumaong kaibigan, “Meron kaming mga kuwentuhang magkakaibigan.

“We hang out pag Cinemalaya kaming mga filmmakers.

“Pagkatapos ng mga screenings, magsasama-sama ang mga ‘yan.

“So, ang liit lang ang industriya namin. Magtutulungan talaga kami.

“And I remember last year, nagbilin siya na, ‘Tulungan si Lem sa pelikula niya.'”

Ito nga ang Echorsis na ipapalabas na sa sinehan sa April 13.

Si Direk Lemuel ay mula sa Quezon Province.

Kabilang sa indie movies na ginawa niya ay ang Intoy Shokoy ng Kalye Marino (2012), Mauban: Ang Resiko (2014), Water Lemon (2015), at ang Ned’s Project na kasali sa nalalapit na CineFilipino Film Festival.

WORKING CONDITION. Dahil sa biglaang pagpanaw ni Direk Francis, gayundin ni Direk Wenn V. Deramas noong February 29 sanhi ng cardiac arrest, mainit na usapin ngayon sa showbiz, partikular sa film/TV production, ang matinding working hours at condition na nakakaapekto sa kalusugan ng mga taong nagtatrabaho sa produksiyon.

Panawagan ngayon ng mga ilang taga-industriya, kabilang ang ilang artista, baguhin ang sistema at magkaroon ng cut-off time.

Ayon kay Direk Lemuel, “Nakakatakot. It can happen to anyone. It can happen to our brothers and sisters sa production.”

Pero sabi rin ng direktor, kailangang magkaisa ang lahat ng taga-produksiyon kung nais talaga nilang makamit ang pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag kasi hindi magiging buo yung mga taga-production, walang mangyayari sa appeal na ‘yan, sa totoo lang.

“Dapat lahat kami magsama-sama, kasi hindi lang trabaho pag nagsu-shoot kami ng 24 hours a day.

“Yung quality nakokompromiso, yung health ng mga tao--from the director hanggang sa utility.

“So, kompromiso lahat.

“Naniniwala kasi tayo na pag maganda sa set, maganda ang resulta.”

Dagdag pa niya, “Sana magkaroon ng mas buong union para buo ang boses namin.

“Kasi ang problema dito, pag merong nagreklamo against working 24 hours a day, meron at merong magtatrabaho pa rin kapag may nawala.

“Kasi we all got bills to pay, we have families to feed.

“So, papa'no yung iba?

“So, dapat para maging buo ang panawagan, dapat lahat kami 100 percent.”

HEALTH RISK. Ayon pa kay Direk Lemuel, hindi lang ang kalidad ng proyekto ang nakokompromiso sa dire-diretsong pagtatrabaho.

Bilang filmmaker, dumanas na rin daw si Direk Lemuel na magtrabaho ng 24 oras, dahil may mga limitasyon kagaya ng paggawa ng indie.

“Minsan kasi nauunawaan ko yun. Minsan sa mga independently produced [films], walang budget.

“Yung huling pelikula kong ginawa [Ned’s Project, starring Angeli Bayani], I was shooting na may dextrose ako for two days.

“Na-hospitalize ako the night before and then I had to go back to work kasi titigil ang [shooting] because I was sick.

“So, wala akong budget, yung producer walang budget, so I had to [work].

“So, kailangan naming i-resume yung shooting kahit naka-dextrose ako.

“I had a private nurse na naka-standby.”

Pansamantala, habang patuloy raw ang kanilang panawagan na mabago ang sistema, at ipanawagan ang pagkakaroon ng cut-off time, sinabi ng direktor na dapat inaalagaan ang sarili.

“Habang hindi pa nangyayari na merong cut-off, na merong tamang oras na pagtatrabaho sa production, kailangan alagaan ang sarili muna.

“Mauna ka na bago pa mangyari ang pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m hoping na mangyari soon, pero kung hindi kami magiging buo, it will not happen.”

Usisa ng PEP, paano niya maaalagaan ang sarili sa gitna ng dire-diretsong pagtatrabaho sa produksiyon?

Sagot ni Direk Lemuel, “Alagaan ko ang sarili ko. Matulog kung puwedeng matulog.

“Kumain nang tama, mag-ehersisyo.

“Pero kahit naman malayo pang mangyari yung gusto naming mangyari ngayon, inaano pa rin naming patuloy pa rin kaming susubok na pagaanin ang trabaho.

“Mas healthy ang tao, mas masaya ang tao [sa production], mas maganda ang produkto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN