Cristine Reyes: "I will no longer be shaken by negativity."

Sa pamamagitan ng Facebook at Instagram, naghayag ng kanyang pasasalamat si Cristine Reyes sa mga taong nanatili ang suporta sa kanya sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya at ng kanyang Tubig at Langis co-star na si Vivian Velez.


Matapos magbigay ng kanyang panig sa nangyaring kaguluhan sa kanilang dalawa ng co-star niya sa Tubig at Langis na si Vivian Velez, naghayag naman ng pasasalamat si Cristine Reyes sa mga taong hindi bumitaw sa kanya sa gitna ng kontrobersiya.

Pinasalamatan din ng Kapamilya actress ang asawang si Ali Khatibi, na nanatili sa kanyang tabi habang pinuputakti siya ng bashers; ang kapatid na si Ara Mina; at ang buong pamilya niya na nasa likod lang niya at nakasuporta.

Pahayag ni Cristine sa kanyang Instagram at Facebook posts kagabi, March 9:

“I'd like to thank my co-star, director and our staff, specifically @byuti_33, @TartCarlos, @DionneMonsanto, @RaymsOcampo, Boss Tet our Executive Producer, Boss Mamu our Production Manager and our Business unit Head Dir. Ruel S. Bayani for standing by the truth and guiding me to be the better person in the midst of this trying situation.

“Thank you for checking up on me and for all the encouraging words Zanjoe, Belle, Nadia, Yanna and MaFe our associate producer.

“Thank you Viva Management specially my handler  Barbie. My manager and second mom Veronique Del Rosario-Corpus and Dir. Jon Corpus. You guys are truly family.

“And lastly to my family. Ali thank you for being my pilar. As a new family, we are immediately faced by something you are not used to. But you are always by my side.

"Thank you. Truly, it is during these times that the people who truly care for you stay by your side. Thank you Ate Ara and to my family.”

Dito ay inihayag din ni Cristine na hindi siya padadaig sa mga batikos na kanyang natatanggap dahil sa pangyayari.

“I will no longer be shaken by negativity.

"I know that as long as the people I love know the truth, that is all that matters.

"It is at these moments that I am called to be a better person, not just for myself but for my daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I'd like to thank my co-star, director and our staff, specifically @TartCarlos, @DionneMonsanto, @RaymsOcampo, Boss Tet...

Posted by Cristine Reyes on Tuesday, March 8, 2016

Matatandaang nitong nakaraang Linggo, March 6, isiniwalat ni Vivian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na aalis na siya sa panghapong teleserye ng ABS-CBN dahil sa pambabastos diumano sa kanya ni Cristine.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Itinanggi naman ito ni Cristine at nagkaroon lamang daw ng misunderstanding sa pagitan nila ni Vivian dahil sa utos ng production.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Pero hindi ito ikinatuwa ng veteran actress.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez on Cristine Reyes's statement: 'Let her drown in her own vomit.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN