Jopay Paguia, Dionne Monsanto defend Tubig at Langis co-star Cristine Reyes on feud with Vivian Velez

Ipinagtanggol nina Dionne Monsanto at Jopay Paguia ang kasamahan nila sa Tubig at Langis na si Cristine Reyes sa isyu nito sa veteran actress na si Vivian Velez. Huwag daw muna manghusga ang mga tao dahil hindi naman nila alam ang totoo.


Dalawang kasamahan ni Cristine Reyes sa ABS-CBN afternoon soap na Tubig at Langis ang ipinagtanggol ang aktres laban sa bashers nito.

Ayon kina Jopay Paguia at Dionne Monsanto, nahusgahan kaagad si Cristine gayong hindi naman alam ng ilang netizens ang totoong pangyayari sa alitan nila ng veteran actress na si Vivian Velez.

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 9, sinabi ni Jopay na bago sana batikusin ng netizens si Cristine ay inalam muna nila ang totoong pangyayari at pinakinggan ang panig nito.

Ayon sa dating miyembro ng SexBomb dancer, “O, guys, sana makuntento na kayo sa mensahe ng production ng Tubig at Langis.

“Sana lang sa susunod, bago kayo magsalita ng masama sa isang tao, alamin nyo muna ang panig ng kabila nang hindi nagmumukhang masama ang mga artista, tandaan niyo tao din po ang mga 'yan.

“At sana mabigyan niyo naman sila ng respeto. Hindi ho biro ang trabaho nila..

“Nagpupuyat ang mga 'yan para mabigyan lang po kayo ng magandang palabas sana ma respeto niyo po iyon at sana makuntento din po kayo.

“Wala ni isa sa atin ang may karapatan humusga, sana pagkatandaan niyo po 'yan.

“Maraming salamat po. God bless you all.”

May mga nagkomento ritong binura ni Jopay pero sinagot pa rin niya.

Sabi niya kay @justinkavan: “Hay naku tumigil ka din justin! Tingnan mo nga sarili mo nabubuhay ka sa past, hindi maka-move on!

“Huy 2016 na baka naman balak mong ayusin ang buhay para hindi buhay ng ibang tao ang pinapakialaman mo. Galing mo mag-judge dapat yun ang kinuha mong kurso. Da best ka!”

Ito naman ang sabi niya kay @maarlenegabon: “Wala ho kaming pinagtatakpan. Wala naman kayo dun sa eksena pero kung makapagsalita kayo parang nandun kayo at alam na alam nyo ang nangyari.

“Pati pamilya nya dinadamay nyo pa. Kapatid mo ba si @justinkavan parehas kayong nabubuhay sa past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang ginawang masama sa inyo si @queencristinereyes para sabihin nyo na masama ang ugali nya.

“Tignan nyo nga sarili nyo sino ngayon ang mas masama ang ugali? Nagsasalita kyo ng hindi maganda dun sa tao. Move on guys. Para sa ikatatahimik ng buhay nyo.”

May mga komento namang hindi niya binura at sinagot din niya.

Sabi ni @jennatrue02: “Siempre di sasabihin n xtine ng direct un dinaan nga sa dabog db, di rason ang puyat para makapanakit ng feelings ng kapwa. i don't watch the show, i have a feeling lalo lang mawawalan ng gana viewers nito.”

Komento naman ni @creer_lot: “Bsta lng bh di yung idol ko @jopaypaguiazamora ang dinabugan ni cristine eh, sbagay ano bh gnawa nya s ate nyang c ara mina.”

Narito naman ang mga sagot ni Jopay sa dalawa:

@jennatrue02: “Wow alam na alam mo na may nagdabog talaga ha. Alam mo girl di mo need manghusga, kasi ikaw di ko rin magugustuhan kapag hinusgahan ka namin lalo nat di ka naman namin kilala, ganon din yung kay @queencristinereyes di mo sya kilala personally kaya wala kang karapatan manghusga.

“Saka kung ayaw mong manood ng show wala naman pumipilit syo kasi yung mga kagaya mo na insecure di belong dun sa serye. Sakit di ba.

“Ganyan ka kasi manakit ng kapwa mo. Ayusin mo na lng buhay mo at wag ka ng makealam sa buhay ng may buhay.”

@creer_lot: “Thank you po. Wag kayong mag alala di naman masama ang ugali ni cristine.

“Saka yung sa ate nya sobrang tagal na nun sana mag move on na at sana matuto din kayong umunawa at mag patawad.

“Kasi sigurado na kapag kayo ang nakagawa ng hindi maganda hihilingin nyo din na sana patawarin din kyo.”

Samantala, sa Twitter naman idinaan ni Dionne ang kanyang pagdepensa kay Cristine:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN