Mike Tan on video scandals: "Bakit ko ibi-video ang sarili ko habang may ginagawa?"

Mike Tan on the effect of video scandals to the the career of male celebs: "So far, ang nakikita at napapansin ko, hindi ko alam kung nakakatulong o nakakapag-ingay lang o nakakasama. Kasi, lahat naman ng nakitaan ko, na nalaman kong may sex video, may palabas, may show. So, paano ko sasabihing nakasama?"


Hindi nag-aalala ang Kapuso actor na si Mike Tan na baka may lumabas siyang video scandal.

Sunud-sunod kasi ang paglabas ng video scandals ng ilang male celebrities, kaya naman hindi maiwasang matanong ang iba pang artista tungkol dito.

Pero ayon kay Mike, “Wala akong naaalala na ginawa ko.”

Kahit noong mas bata pa siya?

Sabi ng Kapuso actor, “Wala e, wala talaga.

“Siguro kasi ako, sana wala namang ma-offend sa sasabihin ko, pero bakit ko ibi-video ang sarili ko habang may ginagawa?

“Pero kung sakali man at ginawa ko, tatanggapin ko, aaminin ko.

“Kumbaga, harapin mo yung consequences ng nangyari. Aminin mo na may nangyari talaga.

“So far naman, parang hindi naman nakakaapekto sa career kung meron man at lumabas.

“Nagkakaroon pa nga ng show, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA afternoon soap na The Millionaire’s Wife noong Martes, March 8, sa GMA Network Center.

Nakakatulong ba sa isang artista kung may video scandal silang lumalabas?

Pahayag ng StarStruck winner, “So far, ang nakikita at napapansin ko, hindi ko alam kung nakakatulong o nakakapag-ingay lang o nakakasama.

“Kasi, lahat naman ng nakitaan ko, na nalaman kong may sex video, may palabas, may show.

“So, paano ko sasabihing nakasama?” saad niya.

Patuloy ni Mike, “Masama lang siguro na marami ang nakakita ng dapat na itinatago mo.

“Pero siguro nag-e-evolve na rin ang mga tao sa Pilipinas, na natatanggap na rin nila ang mga pagkakamaling ganun ng mga tao.”

Tahasang sinasabi ni Mike na hindi niya gagawin ang mag-video ng kanyang sarili?

“Hindi talaga, e. Hindi ko makita ang sarili ko na ibi-video ko ang ginagawa ko,” diin ni Mike.

ANDREA TORRES. Samantala, positibo ang mga pahayag ni Mike tungkol sa leading lady sa The Millionaire’s Wife na si Andrea Torres.

Sa tanong kung ‘refreshing’ ba na si Andrea ang kapareha niya ngayon, mabilis at nakangiting sagot ni Mike, “Sobrang refreshing, sa totoo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yung artistang walang kaarte-arteng magtrabaho. Very generous sa pagbibigay ng emotion. 

“Ang ganda nga ng pag-arte namin, give and take. May ibinibigay siya sa akin, may ibinibigay rin ako sa kanya. 

“Alam mo yung mga artistang walang arte kapag hinawakan mo, okey lang. 

“Kasi ganun akong artista, very touchy ako, gusto ko nararamdaman ko.”

Hindi itinanggi ni Mike na naseseksihan siya sa leading lady niya.

“Sino ba naman ang hindi? Sobrang sexy.

“She’s very attractive. Gusto ko yung dating din ng mukha ni Andrea.”

Mas nakaka-inspire bang magtrabaho kung kasing-seksi ni Andrea ang leading lady niya?

“Mas nakaka-pressure!” natawang sagot ni Mike.

“Kasi si Andrea, kapag pinagseksi mo, seksi talaga.

“Ako, kailangan kong humabol, di ba? 

“So ako, hanggang ngayon, work in progress.”

Pero mukhang sa teleseryeng ito na talaga magpapakita ng katawan si Mike.

Noong presscon nga, sinasabi ng press na ang “yummy” niya.

Masarap ba sa ego ng lalaki kapag alam niyang may pagnanasa sa kanya ang iba?

Saad ni Mike, “Hindi ko masasabing masarap, pero at least, nakikita mong, kung ano ang pinaghihirapan mo, naa-appreciate nila.

“Kasi, yun naman ang ginagawa mo, yun naman ang pinu-post mo.

“Ipinapakita mo sa kanila, so tingin ko, yun din naman ang target.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN