Rich Asuncion not ready to settle down with Fil-Aussie boyfriend

Rich Asuncion on opinion that she is more compatible with foreigner: "Siguro. Pero hindi naman siguro foreigner lang. Meron din naman sigurong matino rito sa industriya, napunta lang ako sa mga hindi!"


Marami ang nakakapansing blooming ngayon ang Kapuso actress na si Rich Asuncion.

Hindi naman itinatanggi ni Rich na malaking dahilan nito ay ang matatag nilang relasyon ng kanyang boyfriend na si Benjamin Mudie, Fil-Aussie player ng Philippine Volcanoes o ng national rugby team.

Pahayag ni Rich, “Siyempre, kapag the one, it is forever.

“Kapag kayo talaga sa isa’t isa, magtatagal talaga. Kini-claim ko na.”

Mag-iisang taon na ang relasyon nina Rich at Benjamin, ngunit minsan ay long-distance din ito, tulad ngayong nasa Australia ang rugby player.

Ano ang nakikitang dahilan ni Rich kung bakit nagwu-work ang relasyon nila?

Sagot niya, “Kasi, nandoon ang respect, totoong pagmamahal.

“Nandoon yung loyalty, nandun lahat.

“Kumpleto siya at nasa kanya lahat ng hinahanap ko.”

Si Benj na ba ang gusto niyang mapangasaw?

“Gusto ko,” sambit ni Rich.

“Siyempre, hindi ko pa naman alam, hindi pa natin masasabi.

“Wala pa namang sigurado.

“Pero siyempre, gusto ko na siya.”

Mas okay ba na may ibang lahi o foreigner ang karelasyon niya?

“Siguro. Pero hindi naman siguro foreigner lang.

“Meron din naman sigurong matino rito sa industriya, napunta lang ako sa mga hindi!” biro ni Rich, pero bigla rin niya itong binawi.

Dagdag niya, “Hindi naman siguro sa may lahi. Siya lang siguro yung para sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa press conference ng upcoming GMA afternoon soap na The Millionaire’s Wife, noong Martes, March 8.

MEET THE PARENTS. Nakilala na raw nina Rich at Benj ang pamilya ng isa't isa.

Nakapasyal na rin ang pamilya ni Benj sa Bohol, kung saan naroon naman ang pamilya ni Rich.

Kuwento ng StarStruck alumna, “Okey naman sila, usap-usap. 

“Pero sinabi naman namin sa kanila na hindi pa kami magpapakasal.

“Marami ngang nagtatanong kung magpapakasal na raw ba, kasi nag-meet na ang mga parents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, nagkataon lang na bumisita rito ang parents niya.

“First time din ng dad niya na pumunta dito sa Pilipinas. 

“Ayaw nila dito sa Manila na maglibot-libot, alam mo na, traffic.

“So, probinsiya sila. Nag-Palawan sila, nag-Bohol, kaya rin naman sila nag-meet.”

Hindi pa naman nagpu-propose sa kanya ang boyfriend?

“Hindi pa, and as much as gusto ko, ayoko pa!” natawang sabi ni Rich.

Paliwanag niya, “Hindi pa rin ako ready.

“Feeling ko, may kailangan pa akong gawin, may kailangan pa akong i-achieve bago yun.

“Pero at least, feeling ko, nahanap ko na ang mapapangasawa ko.”

Masaya lang siya ngayon?

Sagot ni Rich, “Very, very happy. Genuine happiness.

“Totoo, kasi happy talaga ako sa kanya, at iba kasi yung feeling na pinaparamdam niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN