Sid Lucero wants to apologize to ex-girlfriend Alessandra de Rossi

Aminado si Sid Lucero na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend na si Alessandra de Rossi. Kaya naman gusto niyang humingi ng tawad, ngunit kapag handa na raw siyang humarap dito.


Mahigit isang taon na raw hindi nakakausap o nakikita ng Kapuso actor na si Sid Lucero ang kanyang ex-girlfriend na si Alessandra de Rossi.

Ayon kay Sid, “I still have her contact number.

“Pero hindi ko pa siya kayang matawagan. I don’t know how to start kasi.

“Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkausap, hindi ko alam kung paano ulit sisimulan.

“But I am happy for Alex kasi she’s winning these acting awards.

“Magaling naman talaga si Alex and she deserves all that.”

Ang tinutukoy ng aktor ay ang pagkapanalo ni Alex ng Best Supporting Actress award sa Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa Kid Kulafu, at Best Actress sa Singkuwenta International Film Festival para naman sa Alingawngaw Sa Panahon Ng Pagpasya.

Patuloy pa ni Sid, “Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na kausapin siya ulit.

“Kapag ready na siguro ako… I will give myself enough time for that.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng GMA teleserye na The Millionaire’s Wife noong March 8.

BAD BREAKUP. Aminado si Sid na hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Alex dahil sa pagkakaroon niya ng patung-patong na problema.

Saad niya, “It wasn’t a good thing that happened to me.

“I was not myself. I was in a very dark place at that time.

“Maraming taong naapektuhan at kasama na dun ang relasyon ko with Alex.

“Gusto kong umahon doon sa kinalalagyan kong yun kasi hindi na siya maganda.

“It was a constant struggle for me at ayokong may madamay na ibang tao.

“I want to do it by myself. Ayokong umasa o maging dependent sa ibang tao.

“Hopefully, I pray that one day, I will gather enough strength to face Alex and apologize to her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na marami akong naging pagkakamali sa kanya at sa ibang tao. Gusto kong bumawi talaga.

“Pero we will do it nang paunti-unti. One person at a time.”

BACK TO WORK. Ngayon ay maayos na raw ang lahat kay Sid at handa na siyang magtrabaho ulit.

Kaya naman natuwa siya nang isama siya sa cast ng The Millionaire’s Wife.

“Yes, at ang tagal ko na ring hindi nakapagtrabaho talaga.

“My last big teleserye was My Destiny in 2014. Ngayon lang ulit tayo naging regular sa teleserye.

“I can honestly say that I am in a good place right now at ayokong maging problema ako ng ibang tao.

“I’m under control of myself and I want to do this, not just for myself but for my baby girl Halo Eve.

“I want to be a good provider for my child and I want to thank so many people who still believe in what I can do and are always telling me start fresh.

“I don’t want to disappoint anyone anymore.

“Kaya heto, I’m doing my best to be a professional actor and a great father to my daughter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN