Andrea Torres proud to be under same management with Marian Rivera, Maine Mendoza

Andrea Torres on being Triple A queens along with Marian Rivera and Maine Mendoza: "Hindi, Marian and Maine yun. Wala pa ako dun, sila pa lang yun! Ano pa lang ako, papaakyat. Sila nandun na."


Kasama ni Andrea Torres sa Triple A Management ni Mr. Tony Tuviera ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.

Ngunit agad na kinontra ni Andrea ang sinasabi ng iba na silang tatlo ang reyna ng nasabing talent management.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi, Marian and Maine yun.

“Wala pa ako dun, sila pa lang yun!

“Ano pa lang ako, papaakyat. Sila nandun na.”

Ano ang komento niya na mga “kapatid” niya sa Triple A sina Marian at Maine?

“Proud ako na kasama ko sila sa Triple A,” sambit niya.

Nakaka-bonding na ba niya si Maine?

Ayon kay Andrea, “Na-meet ko siya once pero mabilisan.

“Kasi, alam mo naman si Maine, siyempre lagi siyang hinahanap, in demand siya.

“So, saglit na saglit pa lang.”

Hindi ba threat sa kanya si Maine?

“Hindi,” mabilis na sagot ni Andrea.

Walang inggitan sa pagitan nila?

“More on proud pa, kasi parang… siyempre nakakatuwa kapag nagre-react yung mga tao na, ‘Ay, pareho kayo ng manager ni Maine!’ Nakakatuwa.

“Si Ate Yan [Marian] ang nakausap ko recently, na nakatanungan ko talaga, nagkamustahan talaga kami.”

Ano ang napagkuwentuhan nila ni Marian?

“Iyon, yung pagiging mommy niya, yung pagbubuntis niya, yung panganganak niya, ganun.”

Nainggit ba siya kay Marian?

“Hindi pa, wala pa ako dun!” natawang sabi ni Andrea.

“Pero nakakainggit na ganun pa rin siya, yung hitsura niya ganun pa din.”

Na kahit bagong panganak ay seksi si Marian at walang stretchmarks.

“Wala! Sabi ko nga sa kanya, ‘Ano ba ‘yan? Parang lumabas lang si Zia tapos bumalik ka na sa dati!’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon ng pinagbibidahan niyang bagong afternoon soap sa GMA Network, ang The Millionaire’s Wife, noong March 8.

JOE OCONER-CIARA SOTTO SEPARATION. Isa sa mga boss ni Andrea si Jojo Oconer ng APT Entertainment, Inc., na naging kontrobersiyal kamakailan dahil sa pakikipaghiwalay dito ng asawa niyang si Ciara Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan namin ng opinyon si Andrea tungkol sa pangyayari.

Sabi niya, “Si Sir Jo kasi boss ko po yun, tapos si Ate Ciara nakakahalubilo ko kapag meron kaming Christmas party ganyan.

“Ewan ko, ang hirap kasing mag-react, kasi hindi ko naman alam ang story.

“Hindi ko rin nakausap si Sir Jo or si Ate Ciara.

“So, parang… ang hirap ding magtanong, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN