Aiko Melendez still hoping to reconcile with ex-husband Jomari Yllana

Aiko Melendez on ex-husband Jomari Yllana: "Siya ang una ko sa lahat, e. Technically, una ko siyang asawa, una kong ibinigay ang puso ko at ang puri ko. So, siyempre, di ba, they say, in your whole lifetime, there's only one greatest love--maybe it could be Jomari."


Hindi pa rin inaalis ni Aiko Melendez ang posibilidad na magkabalikan sila ng dati niyang asawa na si Jomari Yllana.

Ayon kay Aiko, “Ang usapan namin, when I reach 40 [years old], if we’re both single… but I’m 40 now. 

“Like I’ve said, I have so many things to do and fix pa, so I’ve adjusted it to three more years. 

“Kung okey pa, e, di kami na lang uli.”

Patuloy pa ng aktres, “In passing, I told him over dinner, siguro mga three weeks ago.

“Kasi I campaign for him, e.”

Tumatakbong konsehal sa 1st district ng Parañaque si Jomari.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, Dada [tawag niya kay Jomari], pagka single pa tayo in three years, tigilan na natin itong kalokohan natin, baka tayo pa.’

“’Oo nga naman ano, may point ka,’ sabi niya.

“Pero since 40 na ako ngayon, puwedeng i-adjust natin ngayon, three years pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa grand presscon ng ABS-CBN primetime series na The Story of Us noong Lunes, March 7.

BE MORE RESPONSIBLE. Nagbiro si Aiko na ang weight ni Jomari ang malaking pagbabagong nakita niya sa ex-husband.

“Kaya inaakit ko siya!” bulalas ng aktres.

Pero ayon kay Aiko, “Nag-improve siya. Kasi for the past three years, nag-usap kami na he needs to be more responsible. 

“‘Now that you’re getting into politics…’ I’ve been there, e, so I’m sharing him some few tips.

“Sabi ko sa kanya, ‘You have to be more responsible not only to your constituents but for your son.’

“Kasi si Andre is 17 years old, e. Nandiyan siya sa age na naghahanap ng father-figure ‘yan. 

“So, you have to spend more time, and he is naman.”

Alam daw ni Andre ang usapang balikan nila ni Jomari.

Pero hindi pa ito nababanggit ni Aiko sa bunso niyang si Martina, anak niya sa kanyang pangalawang asawa na si Martin Jickain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Kasi si Martina, selosa, e.

“Although, with Dada Jom niya, very close sila, e.

“So, wala naman akong magiging problema doon.

“Si Martina lang talaga, ayaw muna niya akong magkakaroon ng boyfriend.

“Kaya very, very careful ako in saying na may level ako na may relationship.

“I’m always saying na hanggang dito na lang muna ako, ayoko siyang masaktan.

Dagdag pa niya, “Sobrang close silang dalawa [Jomari at Martina]. Dada ang tawag kay Martina.”

AIKO STILL LOVES JOMARI. Inamin ni Aiko na hindi nawala ang pagmamahal niya kay Jomari kahit marami na silang pinagdaanan bilang estranged couple.

Sabi niya, “Kasi siya ang una ko sa lahat, e.

“Technically, una ko siyang asawa, una kong ibinigay ang puso ko at ang puri ko. 

“So, siyempre, di ba, they say, in your whole lifetime, there’s only one greatest love--maybe it could be Jomari.

“But, you know, kaya rin naman natatakot kami na maging kami uli, kasi baka bumalik kami sa dati.

“So, ngayon, sa sobrang ganda ng relationship namin, ng friendship namin, baka kapag nilagyan namin ng commitment with benefits, masira.”

Sa pagkakaaalam ni Aiko, single ngayon si Jomari. 

Ang pinakahuling nakarelasyon naman ni Aiko ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Pagkatapos nito ay hindi na raw siya nagkaroon pa ng karelasyon, maliban sa pakikipag-date.

Pahayag ni Aiko, “Si Jom naman kasi, he knows when I date, date-date lang.

“Pero pag ipinakilala ko na sa kanya, doon na nag-iiba ang mukha niya, doon siya kinakabahan.

“And lately, wala akong ipinakilala sa kanya. So, sabi niya, ‘A, wala ito.’”

FOREIGNER SUITOR. Ipinaliwanag naman ni Aiko ang pagkaka-link niya sa isang foreigner, na naispatan ng kanyang followers sa Instagram account ng aktres noong 2015.

Nakasama niya ang nasabing lalaki sa events o parties, at pati na nung maospital ang anak niyang si Andre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Aiko, “A, yung Spanish…

“We both decided na it’s not gonna work kasi we have different views in life, he has different culture and mine also. 

“So, sabi ko nga sa inyo, I’m in the stage now that I put God in the center of my life.

“And it’s so hard to be dealing with someone who doesn’t have the same god as you. 

“So, ayokong pag-awayan ang religion.

“So, okey na lang na hindi naging kami talaga, kasi magiging problema ‘yan in the future. 

“Pero I still communicate with him.”

Sa ngayon ay nakikipa-date daw si Aiko sa dalawang lalaking parehong Christian.

Ang isa ay American at ang isa naman ay Fil-Am. Parehong nakabase sa Pinas ang dalawa.

Hindi nga lang daw masabi ni Aiko kung may posibilidad na maging boyfriend niya alinman sa dalawa niyang manliligaw.

Paliwanag niya, “Kasi ini-enjoy ko ang buhay ko.

“Magiging unfair for me kung papasok ako sa isang relationship, kasi may bago akong soap tapos may pa-start akong isa pang project.

“So, yung pahinga ko na lang is to spend time with my kids.”

AIKO’S CHILDREN. May partisipasyon daw ang mga anak ni Aiko na sina Andre at Martina sa mga lalaking nauugnay sa kanya.

“Before I introduce whoever is courting me to my kids, I’ll make sure that he is worth it and decent enough to introduce to my kids. 

“Kung alam ko na yung pa-ano lang at walang patutunguhan, I don’t, e. 

“Kasi I don’t wanna hurt my kids and I don’t want them to expect na…

“Although I’m very open with them, I tell the names na, ‘Eto, I’m dating them.

“But I don’t usually entertain them in my house, ligawan ninyo ako.

“Unless I’m pretty sure.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw naman daw makinig ni Jomari pagdating sa lovelife ni Aiko.

Ayon kay Aiko, “Jom kasi is the quiet type, e.

“I tell him… like noong una niya akong makita na pumayat ako, minsan sinabi niya, ‘Bakit ka pumapayat?’

“Sabi ko, ‘I do it for myself.’

“Hindi siya yung magtatanong nang magtatanong. So, hindi na rin ako mag-o-open up. 

“Hanggang sa mababalitaan na lang niya, ‘Ano yun?’”

Hindi raw ipinapakita ni Jomari na nagsiselos siya kapag may nali-link kay Aiko.

“Kasi kung ibini-base ko yun sa ugali niya nung kami, parang…

“Kaya ayaw kong assuming, e. Baka sabihin, ‘Assuming ka, te?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN