Ruffa Gutierrez tells boyfriend Jordan Mouyal he's not the first guy her mom dislikes

Ruffa Gutierrez on what she tells boyfriend Jordan Mouyal about her mom Annabelle Rama's disapproval: "It's just really the way she is for how many years. Feel bad kung ikaw lang ang inaway-away niya."


“Hopefully, one day. Soon, but not anytime.”

Ito ang sinabi ni Ruffa Gutierrez nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakikita na niya ang sariling magpakasal muli.

Pero agad naman niyang nilinaw na hindi pa ito kasama sa mga plano nila ng kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Pahayag ni Ruffa, “I wanna end up with someone who's gonna hold my hand hanggang sa pagtanda ko.

“Lahat naman tayo gusto ng ganun, di ba, na masasabi nating kasama natin sa hirap at ginhawa.

“As of now, it's too early to say kung yung present relationship ko ay siya yun. Only time will tell.”

Nakausap ng PEP si Ruffa sa ginanap na Glow With Wellness event ng Watsons noong Sabado, March 5.

IS HE OKAY WITH ANNABELLE NOW? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi pabor ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama sa relasyon niya kay Jordan.

Kaya naman lagi raw niyang pinapaalalahanan ang boyfriend na natural lang sa kanyang ina ang pagtutol sa mga karelasyon niya.

Sabi ni Ruffa tungkol sa pagigig matatag ng relasyon nila ni Jordan, “I think we're just two adults, even if my mom has her own opinions.

“Alam mo naman ang mommy ko, since I was 13, talagang ayaw na niya sa mga guys in general.

“Sabi ko nga sa kasama ko now, it's not about who he is, it's just really the way she is for how many years."

Sabi pa raw niya kay Jordan, "'Feel bad kung ikaw lang ang inaway-away niya.'

“Hindi lang naman siya ang inaway-away niya.

"Sabi ko nga, 'Don't worry, that's your initiation.'”

Samantala, nagpapasalamat si Ruffa na hindi madalas nagpapayahag ng galit ang kanyang ina ngayon.

“We still go through ups and downs.

“But I think it's been better so far, so wala namang problema lately.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We're okay, we're happy na. Huwag lang siyang mang-away.

“At least busy siya sa mga apo niya kaya di niya ako naiisip awayin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN