Ina Raymundo recounts experience working with rude young actress

Ina Raymundo on a young actress she worked with in teleserye: "Parang ang laki ng problema ng batang yun. Hindi siya marunong gumalang talaga. Nasa loob kami ng standby tent. E, air-conditioned yung tent, aba, yosi siya nang yosi sa loob! Wala siyang kunsiderasyon sa mga kasama niya sa loob ng tent."


Nalulungkot ang ‘90s sex symbol at Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo kapag may nababalitaan siyang veteran stars na nababastos ng mga baguhang artista ngayon.

Tulad na lang ng reklamo ni Vivian Velez sa diumano’y pambabastos sa kanya ni Cristine Reyes.

Bagamat naninindigan si Vivian sa kanyang pahayag, nilinaw na ito ng kampo ni Cristine at ng produksiyon ng pinagsasamahan nilang teleserye sa ABS-CBN.

Pahayag ni Ina tungkol sa isyung ito, “Ako naman kasi, noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz noong 1995, ang unang ibinilin sa akin ng parents ko ay ang magbigay-galang ako sa mga mas nakakatanda sa akin sa trabaho.

“Iyon din ang turo sa akin ng mga naging mentors ko.

“Kahit sino pa ‘yan, basta nakakatanda siya, you will always give respect.

“Laki rin naman kasi ako sa lola ko sa Bulacan kaya ang paggalang, tulad ng pagmano, pagsabi ng po at opo, alam ko na lahat ‘yan.

“Kaya noong pasukin ko ang showbiz, kahit na sobrang mahiyain ako, kapag may katrabaho akong mga veteran stars noon, binabati ko sila kahit hindi nila ako kilala.

“At least, nakaiwan ako ng magandang impression sa kanila, di ba?

“Wala akong natatandaang may nagalit sa aking mga senior stars noon kasi marunong tayong magbigay-galang sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Kapuso afternoon series na The Millionaire’s Wife, sa GMA Network Center, noong March 8.

INA’S EXPERIENCE. Ayon kay Ina, naranasan na rin niyang mabastos ng isang batang co-star niya sa isang teleserye na ginawa niya noon sa ibang TV network.

Lahad niya, “Minsan ko lang naman naranasan ang ganyan sa isang young actress. Pero grabe yun!

“Parang ang laki ng problema ng batang yun. Hindi siya marunong gumalang talaga.

“Nasa loob kami ng standby tent. E, air-conditioned yung tent, aba, yosi siya nang yosi sa loob!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala siyang kunsiderasyon sa mga kasama niya sa loob ng tent.

“E, may mga bata rin kaming kasama sa loob. Wala siyang pakialam talaga.

“Kahit na nababahuan na kaming lahat sa loob, itinutuloy pa rin niya.”

Patuloy niya, “Kung maayos ang pag-iisip ng batang yun, sana nag-sorry siya at lumabas na siya ng tent. Pero hindi, e.

“Parang enjoy pa siyang nababahuan kami sa usok ng sigarilyo niya.

“Hindi ko na siya nakatrabaho ulit. Matagal na rin kasi yun.

“Malamang hindi na siya young star ngayon at may edad na rin siguro siya.

“Wish ko lang na hindi siya bastusin ng mga mas bata sa kanyang artista ngayon!” tawa niya.

UPBRINGING. Sa palagay ni Ina, kulang sa pangaral mula sa mga magulang ang ibang batang artista ngayon.

“Yun lang naman ang naiisip ko na problema ng mga bata ngayon sa showbiz.

“Parang kulang sila sa disiplina. Iba kasi sa kanila, parang mga spoiled brats.

“Mga anak-mayaman na nag-showbiz kaya parang they take this business for granted. Kesehoda kung may mabastos silang mga tao.

“Nasa upbringing din kasi ‘yan, e.

“Kung ang bata pinalaki mong magalang at may takot sa Diyos, hindi ‘yan gagawa ng hindi maganda sa kapwa niya.

“Hindi ko lang alam kung paano pinapalaki ng ibang magulang ang mga anak nila.”

Ayon pa kay Ina, “Ako naman, as a parent, alam ko ang obligasyon ko sa mga anak ko. To teach them good manners and right conduct.

“Ang mga anak ko, tinuturuan kong gumalang ang mga ‘yan.

“Marunong silang mag-mano. Marunong silang magsabi ng po at opo.

“They say ‘excuse me’, ‘please’ and they smile kapag ipinakilala mo sila.

“May ibang mga bata ngayon, hindi sila marunong ng ganyan. Hindi naman mahirap ang maging magalang, di ba?”

MOTHER OF FIVE. Sa limang anak ni Ina, wala raw sa mga ito ang gustong pasukin ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “May mga offers naman sila, lalo na sa anak kong lalaki na si Jacob.

“Kaso ayaw niya talaga sa showbiz. He’s more into sports.

“Magaling maglaro ng baseball si Jacob.

“May mga modeling offers sa kanya, pero ayaw niya talaga.

“Nahihiya raw siya at baka pagtawanan lang daw siya ng mga friends niya sa school.

“Ako naman, okey lang kung gusto nila. Pero mas gusto ko ngang huwag na lang muna kasi mga bata pa sila.

“Mas gusto kong makatapos sila ng pag-aaral nila.”         


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN