Bianca Manalo says boyfriend Fabio Ide's love child is not an issue

Bianca Manalo and Fabio Ide started out as friends going on dates. She relates, "Ayaw ko noong una kasi model… maraming babae. Nasa showbiz din siya, ayoko na. Pero yun nga, kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Mahal na mahal namin ang isa't isa."


Masaya raw si Bianca Manalo sa piling ng kanyang boyfriend na si Fabio Ide, ang Brazilian-Japanese model-actor at mainstay sa katatapos lang na Kapuso afternoon soap na Destiny Rose.

Mula raw nang maging sila months ago, walang nabago sa maayos na samahan nila at masayang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Wala rin daw binago ang Kapamilya star sa sarili mula sa nakaraang failed relationships niya para lang maging maayos ang takbo ng pagmamahalan nila ni Fabio.

Pahayag ni Bianca, “Wala, ganun pa rin ako.

“Hindi kasi ako naniniwala sa magtitira ka para sa sarili mo.

“Pag hindi nag-work, ikaw ang may pagkukulang, hindi mo kasi ginive all out.

“So, ako, naniniwala ako na when you’re in a relationship, give everything. 

“Pag hindi pa rin nag-work, bahala na siya.

“Siya ang may mali doon. Ako, wala akong pagsisisi.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa launch ng pinakabagong collection ng MAC Cosmetics, ang Flamingo Park, na ginanap nitong Huwebes, March10, sa Penthouse ng 24/7 McKinley Building, sa Bonifacio Global City.

FABIO’S LOVE CHILD. Nakita na raw ni Bianca ang anak ni Fabio kay Denise Oca, anak ng character actress na si Melissa Mendez.

Aniya, “Oo naman, lagi kaming nakikipag-bonding with the baby.

“Actually, today kaya siya nandito [MAC Flamingo event], this is the only free time, kaya kinita niya ang daughter niya. 

“After this, mamaya susunod ako, magpa-family bonding kami.”

Nilinaw ni Bianca na wala pa sila ni Fabio nang naugnay ito kay Denise at isilang ang kanilang anak.

“May iba pa akong boyfriend noon.”

Hindi raw naging isyu kay Bianca ang pagkakaroon ng love child ni Fabio.

Komento pa niya, “Oo naman, why not?

“Saka mahilig ako sa bata. Wala naman kasalanan ang bata e.”

Wala pa raw silang plano na magpakasal ni Fabio pero napag-uusapan na nila ang future nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sambit pa ni Bianca habang kinikilig, “Abangan!”

Ano ang ideal age para magpakasal at bumuo ng pamilya?

“Sabi ko, pag magti-thirty na ako, e, magti-thirty na ako sa November.

“Siguro mga thirty-one or thirty-two years old, two years from now.

“Proposal na lang muna,” nakangiti niyang sabi.

‘CLICK KAMI.’ Walong buwan nang official ang relasyon nina Bianca and Fabio, pero isang taon daw muna na nag-date ang dalawa bago naging sila.

Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y...

A photo posted by Bianca Manalo (@biancamanalo) on

Kuwento pa ng beauty queen-turned-actress, “Pero niligawan na niya ako three years ago, ayoko, ganyan. 

“Tapos biglang… friends naman kami, nagkita kami ulit, sinubukan namin.

“Kaya ayaw ko noong una, kasi model [si Fabio], tsaka maraming babae.

“Nasa showbiz din siya, parang galing na ako diyan, e, ayoko na.

“Pero yun nga, kinain ko rin lahat ng sinabi ko.

“Okey  kami, sobrang okey; tanggap siya ng family ko.”

Simple lang naman daw ang takbo ng kanilang relasyon kaya hindi sila naaapektuhan ng negative vibes dulot ng showbiz.

Sabi ni Bianca, “Mahal na mahal namin ang isa’t isa… iwan ang trabaho when we are together.

“We talk about our work, parang kumusta yung taping mo, anong ginawa mo, kumusta yung event, ganyan.

“Pero pag we’re together, we’re ourselves. 

“Kung paano ako at paano siya, ganun kami. 

“Kaya nga nag-click kami, e.”

PATIENT MAN. Hindi raw maiiwasang magkaroon sila ng misunderstandings bilang kasama ito sa relasyon.

Ayon kay Bianca, “Meron kaming mga misunderstanding, pero napakaliit na bagay.

“Si Fabio kasi, very patient. 

“He is super like my dad, exactly like my dad.

“Nagulat ako na siguro ito na yung sign na parang…

“Nag-pray pa ako sa puntod ng dad ko, umiiyak ako. 

“Sabi ko na parang si Fabio, nasa likod ko, eto na siya.

“Ikinuwento ko na si Daddy, kasing-ugali niya, mapagpasensiya.

“Paanong makipag-usap, eksaktong-eksakto.”

May nabago ba si Fabio sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala siyang pinabago sa akin kasi mahal daw niya ako for who I am. 

“Kaya siya tuwang-tuwa kasi what you see is what you get. 

“Wala naman akong pretensions; off-cam, on-cam, eto ako.

“Dyusko, kailan ninyo ba ako nakitang… hindi naman ako ganun!” sabay muwestra niya na pa-sweet.

“Kaya siya tuwang-tuwa na ganito ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN