Director Richard Somes wants a dialogue to resolve production issues

The director of The Story of Us is thankful to ABS-CBN, but Richard Somes is also alarmed by what appeared to be work-related deaths of his peers, Wenn Deramas and Francis Pasion. He says, "Ako rin mismo, in a way huminay-hinay na rin kasi 'pag nagkakaedad ka na… kaya mas maganda mapag-usapan kung anuman ang puwedeng magawa."


Sa magkakasunod na pagkamatay nina Direk Wenn Deramas at Direk Francis Pasion dahil sa sakit sa puso ngayong pagpasok pa lang ng taon, umingay muli ang matagal na palang isyu sa industriya, ang punishing work hours ng production.

Lalo’t nasa intensive care unit pa rin ang talent manager cum talent coordinator ng Kapamilya network na si Cornellia "Angge" Lee na kamakailan lang ay isinugod din sa ospital.

Ito ang napag-usapan namin ni Direk Richard Somes sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang thanksgiving presscon ng The Story Of Us ng ABS-CBN.
     
Lahad ng direktor, “I’m so saddened about the news… I’m totally affected talaga.

“I just arrived, my wife just woke me up and told me na Francis Pasion is gone na, parang sunud-sunod na yun.”
  

TOUGH JOB. Sa naging pahayag ng kapwa niya direktor na si Direk Quark Henares, ang sobrang haba ng oras ng pagtatrabaho ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang direktor. Aminado si Direk Richard na mahirap na proseso talaga ang pagdidirek ng isang pelikula o teleserye.

Ganoon na raw ang sistema nung pumasok siya sa industriya.
  
“Sa opinyon ko, in a way, filmmaking as a process talaga or directing as process is really a strenuous job regardeless if it’s short time, long time.

“It’s really unhealthy na environment because 'di dahil sa away, 'di dahil sa gulo, siyempre mayroon kayong misyon na dapat tapusin.

“'Pag pumunta ka talaga at gumawa ka ng pelikula, parang giyera ‘yan, dapat handa ka.

“I think kung ano yung nakita ni Direk Quark na sistema, I think may nakita na siyang ganun before.

“Ako rin mismo, in a way huminay-hinay na rin kasi 'pag nagkakaedad ka na rin…

“Kung anuman ang statement ni Direk Quark, I think it’s a concern of everybody… puwede nating pakinggan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, ako, mas gusto kong pakinggan ang side ni Quark, kung ano ang point niya.

“Ako rin mismo as a director, nararamdaman ko rin yun, kaya mas maganda na may dialogue.

“Para mapag-usapan kung anuman ang puwedeng magawa.”


REFORM TALKS. Sabi pa ni Direk Richard, “I’m a DGPI [Directors’ Guild of the Philippines] official, and I think may mga pinag-uusapan din kami ngayon kung paano mag-meet halfway.

“How to make dialogues  with the people who are capable of implementing it, kung mayroon man.

“At the same time, how to regulate [the long hours].

“For sure the producers, the networks, are very much alarmed and very much affected with these things. Hindi nila pababayaan yun.

“Ako, as a filmmaker, as a director, I’m  just hoping that things will be discussed sooner or later.

“Kung anuman ang magka-come up dun, I think it will be for the benefit of everybody. 

“Kung shorter time na siya or ire-regulate yung oras, masaya ako dun.

“Kung mayroon namang mga benefits o  insurance o anuman ang paplanuhin nila para sa mga nag-e-extend ng trabaho…

“Kung talagang strenuous yung trabaho as long as protected yung mga tao, I would allow it.

“Nasa mga producers, networks, sa amin… kung paano i-implement yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN