Cristine Reyes on Vivian Velez's allegations: "It's all lies."

Cristine Reyes (right) on Vivian Velez: "Iyong resignation niya sa show because of me was a big lie. Because she found already na papatayin iyong character niya sa soap namin na Tubig at Langis. Why? Because everybody is complaining about her, especially the production staff."


Iginiit ni Cristine Reyes na kasinungalingan diumano ang mga alegasyon laban sa kanya ng Tubig at Langis co-star niyang si Vivian Velez.

Ayon kay Cristine, ginawa lang siyang dahilan ng veteran actress kaugnay ng pag-alis nito sa kanilang afternoon teleserye sa ABS-CBN.

Nitong weekend, naibalita rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Vivian tungkol sa "irrevocable resignation" niya sa Tubig at Langis dahil diumano sa hindi magandang trato sa kanya ni Cristine.

Sinabi ni Vivian na pinaalis umano siya ng kapatid ni Ara Mina sa kanilang communal dressing room.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Sa kanyang sagot, itinanggi ni Cristine ang akusasyon ni Vivian at ipinahayag ang kanyang panig, na kabaliktaran ng mga akusasyon sa kanya ng beteranang aktres.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cristine Reyes breaks silence on issue with Tubig at Langis co-star Vivian Velez

Sa interview video ng ABS-CBN News nitong March 10, muling idiniin ni Cristine na hindi niya pinaalis si Vivian sa kanilang dressing room.

“Regarding the issue na nagpaalis ako sa dressing room, lilinawin ko lang po na wala akong pinapaalis na kahit sino sa dressing room.

“Kahit na sinong kasama ko, never ko ho yun gagawin.”

Nagsalita rin si Cristine tungkol sa pahayag ni Vivian na nag-resign ito sa kanilang show dahil sa kanya.

Ayon sa Kapamilya actress, “And gusto ko rin linawin, iyong resignation niya sa show because of me was a big lie.

“Because she found already na papatayin iyong character niya sa soap namin na Tubig at Langis.

“Why? Because everybody is complaining about her, especially the production staff.”

Iikinalulungkot daw ni Cristine ang paggamit sa kanya ni Vivian bilang dahilan ng graceful exit nito.

"So, it saddens me that I'm being used in this particular situation of her graceful exit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana if ever na mag-settle na lahat ng emotions niya, maisip niya at ma-realize niya na we all know the truth, and it’s all lies.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN