Miguel Tanfelix not threatened at all by new StarStruck graduates

Miguel Tanfelix is looking at a long career in showbiz and he is confident, "Dahil mahal, mahal ko po yung work ko. Kaya ko pong maghintay ng kahit gaano katagal."


Hindi raw naniniwala si Miguel Tanfelix na ang mga magka-love team ay kailangang may totohanang relasyon.

Wala nga raw silang relasyon ni Bianca Umali pero matagal na silang magka-love team simula pa noong 2012 sa programang Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Pahayag ni Miguel, “Tsaka kunwari nag-aaway kayo, paano po yung mga eksena na kailangan na kilig?

“So apektado rin po pati yung work ninyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa set ng afternoon drama series ng GMA na Wish I May sa Quezon Memorial Circle kamakailan.

Kapareha niya rito si Bianca.


LONGEVITY. Hindi raw nag-audition si Miguel para sa Encantadia samantalang si Ruru Madrid na “kapatid” niya sa manager na si Direk Maryo delos Reyes ay matunog ang pangalan na kasali sa naturang remake ng GMA.

“Kasi meron pong Wish I May, e. So magsasabay po.

“Parang... kailan po yung showing nun, July?

“’Tapos ito po, parang one year po yung target. Sana po!”

Produkto si Miguel ng StarStruck Kids noong March 2004, eksaktong labingdalawang taon na ang nakalilipas.

Bakit sa tingin niya ay nagtatagal siya sa showbiz?

“Bakit ho ba? Siguro dahil mahal, mahal ko po yung work ko.

“Kaya ko pong maghintay ng kahit gaano katagal.

“Kasi like before, sobrang tagal ko pong tengga… meron pong mga pa-guesting-guestings.

“Mga young… young pa po ako.”

May mga pagkakataon nga na gumaganap lamang siya bilang young version ng ilang mga male stars sa mga shows ng GMA.

“Kaya ibig sabihin po nun, love ko po yung work ko po.

“Kung wala po akong tiwala sa GMA at hindi ko po love yung work ko, siguro nag-quit na po ako.

“‘Ah sige mag-aaral muna ako, siguro hindi naman talaga para sa akin itong buhay-showbiz.’

“Kaya 'ayun, and yung trust ko po sa GMA na aalagaan po nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, inaalagan po nila ako.”


WORKING STUDENT. Hindi pinapabayaan ni Miguel ang kanyang pag-aaral.

Kahit busy siya sa taping ng Wish I May at Ismol Family ay hinaharap niya ang pagiging estudyante.

Paano niya iyon ginagawa?

“Pag available po akong pumasok kahit wala po akong klase, pinapasukan ko po.”

Puwede iyon?

“Puwede po, kakausapin ko lang po yung prof kung ano pong kailangang gawin.”

Monday, Wednesday, and Friday ang taping niya sa Wish I May.

“Pero hindi naman po siya laging MWF talaga, minsan wala pong Monday, minsan wala pong Friday.”

Tuwing Martes naman ang taping niya para sa Ismol Family.

Ilang araw siyang pumapasok sa school?

“Minsan po online na lang po talaga ako pumapasok, online po talaga siya.

“Dun na po ako nagsa-submit ng mga kailangan.”

First year student si Miguel sa kursong Entrepreneurship sa De La Salle University sa Dasmarinas sa Cavite.

WELCOME. Isa nga si Miguel sa mga itinuturing na prinsipe ngayon sa bakuran ng Kapuso network.

At ngayon ay may mga bagong artista sa GMA na produkto ng season 6 ng StarStruck tulad ng mga Ultimate Male and Female Survivors na sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Hindi ba siya nate-threaten sa mga ito?

“Hindi naman po, kaibigan ko po sila, e, kasi nag-host po ako sa StarStruck.”

“Galing po ako sa StarStruck kaya parang 'pag may bago, ‘O, parehas tayong galing StarStruck, welcome!’”

Ang Ultimate Female at Male Survivors ng StarStruck Kids na pinanggalingan ni Miguel ay sina Sam Bumatay at Kurt Perez ay parehong hindi na aktibo sa showbiz.

Ang masasabing aktibo pa rin sa pag-aartista ay sina Bea Binene, Paul Salas, Sandy Talag at sina Ella Guevara at Miguel na kapwa tinanghal na runners-up.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN