Ash Ortega firm in saying no to sexy pictorial

Ash Ortega plays a young villainess in the GMA teleserye Wish I May and she's happy about it, "Kasi napaglalaruan ko siya, napaglalaruan ko yung character."


Kahit dumating na raw sa tamang edad ang 17-year-old na si Ash Ortega ay hindi siya magpapa-pictorial ng sexy para sa mga men’s magazines.

“A, hindi po,” at tumawa si Ash.

Sigurado siya?

“Sure ako, sure ako dun.”

May mga female stars rin na nagsabing ayaw ring mag-FHM cover girl, pero kalaunan ay napapayag din.

“Ayoko pong ipakita yung katawan ko, ayokong ipakita yung katawan ko,” ang tumatawang sagot ni Ash.

“Hindi ko pa po naiisip yun, actually, hindi ko pa siya naiisip sa ngayon.”

Nakakita na naman daw siya ng mga pictorials ng FHM na artistic naman, “Oo, pero hindi ako interesado.”

Nakausap namin si Ash sa taping ng Wish I May noong February 15 sa Quezon Memorial Circle.


HAPPY AND PATIENT. Hindi raw mainipin sa kanyang showbiz career si Ash.

Hindi siya nagmamadaling maging solong bida sa isang TV show o pelikula.

“Well hindi naman naiinip, very patient naman ako sa lahat.

“Alam ko naman na dadating din yung time ko.”

Never daw siyang nag-demand sa GMA Artist Center.

“Ayokong mag-demand na, ‘Uy sana bigyan nyo naman ako ng lead.’”

Hindi rin daw siya threatened sa mga bagong artista ng GMA.

“Yung mga StarStruck? Hindi naman po.

“Pero ayun nga sinabihan rin ako ng mga handlers na ayan na, dadating na ang mga StarStruck people.

“Siyempre hindi rin namin kailangang magpahuli so siguro kailangan pa rin naming mag-standout.

“Lalo na pag pupunta sa office, kasi siyempre StarStruck people, nakilala na rin ng mga tao ngayon e.”

Ano ang ginagawa niya para mag-stand out?

“Wala, palagi lang ano, pag pumupunta sa GMA, palaging nakaayos.

“Sa acting nagwo-workshop ako every Sunday.”

Masaya si Ash Ortega kahit kontrabida siya sa Wish I May bilang si Eunice.

Bida rito sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ang acting coach nila sa Wish I May na si Anne Villegas ang facilitator ng acting workshop na ina-attend-an ni Ash regularly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Ash, “Sobrang masaya yung role ni Eunice kasi napaglalaruan ko siya, napaglalaruan ko yung character.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN