Donna Cruz laughs off old rumor about being a battered wife

Tawang-tawa si Donna Cruz nang matanong ng media tungkol sa mga dating isyu na diumano'y isa siyang battered wife. Sobrang mahal daw siya ng asawang si Yong Larrazabal kaya hindi na nila ito pinansin.


Natatawa na lang si Donna Cruz nang matanong namin tungkol sa lumang isyu noon na naghiwalay raw sila ng asawang si Yong Larrazabal.

May lumabas pang diumano'y battered wife siya.

Sabi niya, “Grabe nga ‘yan. Minsan may nagtatanong pa sa akin, ‘Uy, binubugbog ka daw ni Yong?’

“Sabi ko, ‘Mukha ba akong binugbog?’

“Grabe, nakaka-shock lang. Naawa nga ako sa asawa ko kapag may ganyan, e. Alam mo siya, natutuwa lang ako. Ang strong ng asawa ko. Parang wala lang siyang pakialam.

“Wala siyang pakialam, ako yung apektado kapag may lumalabas na ganyan.

"Kasi nga naiinis ako na ipinapalabas na ganun, e. Sobrang alaga ako niyan sa Cebu. Mas in love nga yun kaysa sa akin, e.”

Isa pang lumabas na isyu noon ay tungkol naman sa hindi raw siya pinapayagan ng asawa na lumabas ng kanilang bahay. Parang nakakulong nga lang daw ang singer.

Pero natatawa pa ring tugon ni Donna, “Lalo na yun, grabe! Hindi. Nakakatawa ‘yan. Kumakalat talaga 'yan dati. E, hindi talaga ako palalabas [mahilig lumabas] homebody ako, 'di ba?

“Kapag wala kong trabaho, sa bahay lang ako. Chat-chat lang ganun, IRC [Internet Relay Chat] pa nun.

“Hindi ako mahilig talaga lumabas, kaya yung date namin ni Yong, mga ilang dates namin bago kami naging kami, tinatanong niya ako kung nakapunta na ba ako dito… mga ganitong lugar, kasi may perception sila na kapag artista, palalalabas... hindi pa. Gulat siya.”

Dahil kabilang sa pinakamayayamang angkan sa Cebu ang asawa, totoo bang nagbubuhay-reyna siya roon?

Nakangiting tugon ng 39-year-old singer-actres, “Ay, hindi naman! Hindi naman ako yung tipong nagbubuhay-reyna. So, buhay-mommy na relaxed yung buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Donna sa launching ng kanyang bagong album na Now and Forever nitong nakaraang Biyernes, March 11, sa isang restaurant sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOW AND FOREVER. Tungkol naman sa kanyang comeback, aminado si Donna na miss na miss na niya ang pagkanta.

Bungad niya, “Ako rin, sobrang excited at happy rin ako [na bumalik].”

Ano nga ba ang nagtulak sa kanya na muling maging aktibo sa limelight matapos ang halos 17 taon na pag-aasawa?

Kuwento ni Donna, “Ang singing naman talaga ay hindi nawawala sa akin, e.

“Lagi pa rin akong kumakanta sa bahay and from time to time, meron pa rin namang mga singing engagements and dun ako super na nag-look forward.

“Sobrang okey yung timing ng Star Music.

“Nakakatuwa kasi parang talaga para sa akin, e. Kasi 'pag nagpi-pray ako, may work, ganito may offer.

“Kung para sa akin, para sa akin. So, nung time na yun na kumanta ako ng 'Let It Go' yung nag-viral na yun, ang short lang nun, ni-record ko lang siya for my fans sa Facebook fanpage.

“So after nun, mga ilang months, 'ayun tumawag na yung Star Music.

“So sabi ko, kakausapin ko si Yong, yung asawa ko. Alam niyang nami-miss ko yung singing.

“Alam niya na hindi naman katulad sa pelikula at sa teleserye na sobrang haba ng trabaho.

“Ayun nakakatuwa kasi sumuporta agad siya and malaki na rin naman yung mga kids ko.

“So puwede ako na babalik-balik ako dito na hindi naman sobrang katagalan.

“Actually, sila pa nga yung excited na babalik ako. Naninibago na tuwang-tuwa.”

Ano ba ang maasahan ng kanyang mga tagahanga sa bago niyang album?

“Expect to hear yung mga Donna Cruz-kind of songs pa rin kasi andun pa rin yung boses ko, 'tapos ang nag-compose pa ng two original songs ko si Tito Vehnee [Saturno] pa din, so very Donna Cruz talaga.

“Yung mga cover songs, ako talaga ang pumili dahil ito yung mga paborito kong Tagalog songs like 'Dapat ka Bang Mahalin,' 'Hanggang,' 'Friends,' basta mga kanta ni Ate Sharon [Cuneta] paborito ko yun. Tapos yung 'Ikaw Lang Ang Mamahalin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feel-good na album ito, e. So mga love songs na hindi siya nakakalungkot kapag nakikinig ka.”

PEP Jams: Kapag Tumibok Ang Puso by @donnacruzyl

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Watch related video: PEP JAMS. Get ready to sing along with Donna Cruz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN