Ina Raymundo "alert" to likely marriage troublemakers

Ina Raymundo says she is not the jealous type, but she's not "oblivious." She elaborates, "Lagi akong aware na, 'Uy!' Kasi hindi mo masabi, kapag ang babae at lalaki laging nagkakausap, puwedeng may nade-develop. So ganun ako, alert ako sa ganun."


Naging cover girl si Ina Raymundo sa November issue ng FHM last year, dahilan para maging object of fantasy na naman siya ng mga kalalakihan.

Natatawang reaksiyon dito ng 40-year-old actress, “Natatawa lang ako, sometimes parang I find it amusing.

“I find it funny na meron pang nagsasabi ng, ‘Hey, crush!’

“I’m forty years old, 'tapos I have five kids, 'tapos 'ayun, parang may kinikilig.

“Nakaka-flatter!”

Paano kung may halong sexual fantasy ang admiration sa kanya?

“Ay, ganun? Naku, problema na nila yun!” bulalas niya.

Very understanding naman ang mister ni Ina, ang Canadian businessman na si Brian Poturnak.

Ayon kay Ina, “Kaya foreigner ang pinakasalan ko kasi alam kong maiintindihan niya.

“'Pag Pinoy, seloso, hindi puwede sa akin.”

Hindi raw nagseselos ang mister niya kahit may mga humahangang kalalakihan kay Ina.

“Hindi at all! He’s so proud and proud siya' pag yun nga.

“Siguro proud siya 'pag may nagpapantasya sa akin dahil para sa kanya, ‘She’s mine!’

“Ganun ang thinking niya, kaya pam-foreigner talaga ako.

“Hindi ako kakayanin ng Pinoy, ikukulong lang siguro ako, or hindi ko mae-express yung sarili ko.”

ALERT WIFEY. Hindi rin daw selosa si Ina sa mister niya.

“Hindi… I would say protective ako.”

Wala raw sa kanya kung may babaeng tumitingin sa mister niya, “Proud ako pag ganun.”

Pero kwidaw, “”Pag halimbawa meron siyang kausap na babae dahil naman sa something.

“Nagtatanong ako, I wanna be aware.

“Hindi ako oblivious na hahayaan ko lang may kausap siya na babae kahit super wholesome yung pinag-uusapan nila.

“Lagi akong aware na, ‘Uy!’

“Kasi hindi mo masabi, kapag ang babae at lalaki laging nagkakausap, puwedeng may nade-develop.

“So ganun ako, alert ako sa ganun.”

Kahit 40 na, masasabing kasing-sexy pa rin si Ina Raymundo ng mga nakababatang female stars, kung 'di man mas sexy pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“TRX, Zumba, combination ng cardio strengthening, five days a week I work out.

“Tatlong beses ng cardio, dalawang beses ng pampa-muscle,” ang sikreto raw ng sexy figure niya.

“Toning lang talaga, hindi ako nagba-body building,” dagdag pa niya.

“Gusto ko toned lang, gusto ko may cuts lang yung arms.”

Kahit busy raw siya sa showbiz career niya, hindi kinakaligtaan ni Ina ang kanyang exercise regimen.

“I look forward to it, like kagabi galing ako ng Cavite, dumiretso ako sa gym para mag-workout.

“Kasi hindi ko kayang wala, hinahanap ng katawan ko.

“Nalulungkot ako kapag tatlong araw nang sunud-sunod na wala akong workout.

“Nauubos yung serotonin level ko, bumababa, so hinahanap ng katawan ko," banggit pa ni Ina sa chemical sa utak na responsible sa mood balance ng isang tao.

LOOKING YOUNG. Sa upcoming GMA drama series na The Millionaire’s Wife, gumaganap si Ina bilang anak ni Jaclyn Jose.

Challenge daw kay Ina na magmukhang bata at dalaga.

Sabi niya, “Kailangan fresh at dalaga, na walang anak, 'tapos mommy ko pa si Ms. Jaclyn.

“Lagi niyang sinasabi, ‘Kailangan wala kang makeup, kailangang mag-tint ka lang sa cheeks mo.’

“So, gusto niya magmukha akong bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN