The Millionaire's Wife program manager apologizes to veteran actor Robert Arevalo

Naglabas na ng statement ang mga tao sa likod ng GMA afternoon soap na The Millionaire's Wife kaugnay ng reklamo ng anak ng beteranong aktor na si Robert Arevalo dahil sa inabot ng 30 oras ang taping nito noong nakaraang araw.


Humingi ng paumanhin at nagpaliwanag ang program manager ng upcoming GMA afternoon soap na The Millionaire’s Wife kaugnay ng hinaing ng anak ng veteran actor na si Robert Arevalo dahil sa pagtatrabaho ng ama ng halos 30 oras.

Matatandaang kahapon ay naglabas ng kanyang saloobin ang anak ni Robert na si Anna Ylagan, sa pamamagitan ng Facebook, pagkatapos malamang inabot ng halos 30 hours ang pagtatrabaho ng 78-anyos na ama sa set ng kinabibilangang teleserye sa Kapuso network.

Ipinaliwanag din ni Anna sa eksklusibong pahayag niya sa PEP na nangangamba siya sa kalusugan ng ama dahil na rin sa edad nito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Robert Arevalo's daughter Anna Ylagan expresses concern about dad's long taping hours

Ngayong Sabado ng umaga, March 12, nakatanggap ang PEP ng pahayag mula sa pogram manager ng The Millionaire’s Wife na si Anthony Pastorpide.

Dito ay sinabi niyang humingi na sila ng paumanhin kay Robert.

Ipinaliwanag din ni Pastorpide kung bakit umabot ng ganun katagal ang taping ng beteranong aktor at nangako rin itong hindi na mauulit ang nasabing insidente.

Narito ang pahayag ni Pastorpide:

“Humingi na po kami ng paumanhin kay Mr. Robert Arevalo sa nangyaring insidente na late pack-up noong March 9.

“Marami lang pong eksena na kinailangang tapusin noong araw na iyon at baka matagalan pa bago makabalik sa location na 2 hours away from Manila.

“Ngayon po ay inaayos na ng produksyon ang lahat para hindi na maulit ang pangyayaring iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN