Radio host Nicole Hyala's Hello Kitty house robbed

90.7 Love Radio DJ Nicole Hyala's Hello Kitty house in Caloocan City was robbed. According to Nicole, they only knew about what happened to their house Friday morning, March 11.


Umaga ng Biyernes, March 11, nang malaman ng radio host na si Nicole Hyala na nilooban ang kanyang Hello Kitty house sa Caloocan City.

Sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina, March 12, sa pamamagitan ng phone call, ibinahagi ni Nicole kung ano ang nangyari sa bahay niya.

“Nalaman ko kasi siya, Friday morning. So I guess, tinira siya ng mga Thursday night or Friday ng madaling araw.

“It’s my Hello Kitty house in Caloocan. Yung house na ‘yun, we don’t really live there. 'Di kami dun nakatira, e.

“Mayroon lang kaming kasambahay na pumupunta doon to light up in the morning 'tapos papakainin yung dog kasi may aso din, 'tapos iilawan lang din sa gabi, ganon lang yung routine. 'Tapos sometimes pumapasok for cleaning.”

Nakita na lamang daw ng kanilang kasambahay na basag ang bintana at nabuksan kaagad ang door knob.

“Noong nakita niya, noong papakainin na yung dog, nakita niya na yung door knob, nagtaka siya yung door ang bilis nabuksan, dapat naka-lock.

“'Tapos yung window sa tabi ng door is nakabukas kasi sliding window lang siya, e, na glass.

“So doon dumaan actually yung suspect, doon sa sliding window and I guess binuksan niya na lang yung door.

“So, ransack talaga yung house, obviously looking for jewelry and money.”

“E, kaya lang nga, since we don’t live there, walang jewelry.

CCTV EQUIPMENT STOLEN. Kilala si Nicole bilang collector ng mga Hello Kitty memorabilia, at ikinalungkot niya na pati ang koleksyon niya ay nadamay sa naganap na panloloob.

“Nakaka-stress lang kasi alam mo yung color pink yung bahay, 'tapos ang cute-cute niya, puro Hello Kitty. 'Tapos lahat yun, binuksan niya.

“Lahat ng mga posibleng may laman na inisip nila na may laman.

“Alam mo yung mga Hello Kitty na feeling niya meron siyang pwedeng makuha? 'Ayun dinistrongka niya lahat iyon from the rooms sa baba hanggang sa sala and most especially yung walk-in closet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung closet, nandoon yung mga gamit ko, e. So in-expect niya siguro na nandoon yung whatever items.”

Mga gadgets daw ang nakuha sa bahay ni Nicole, kabilang na ang CCTV equipment nila na sana ay magiging pagkakakilanlan ng suspect.

“Nakuha nila is LED TV na dalawa, 'tapos yung LED TV na Hello Kitty.

“Meron kasi kaming CCTV, e. Kaya lang kinuha nila yung buong aparato, so waley din.

“Sayang, kasi doon sa mismong closet, may CCTV din, e. Ang purpose ko noon is para kung may pumasok.

“E, kinuha nila yung buong aparato kasama yung monitor which is a Barbie TV.

“They also got an iPad, some cameras, 'tapos yung cellphones namin na matagal na panahon kasi these are old phones, mas luma pa sa 5110, kasi feeling namin in the future, magkakaroon siya ng value so we don’t throw away yung mga phones na iyon.

“So, naka-display siya sa closet. So lahat yun, kinuha. Lahat yun, yung mga watches, although yung mga watches naman doon, Hello Kitty, hindi naman siya expensive kasi nga we don’t live there, so 'ayun.

“Pero yung mga pabango, lahat ng mga possible na pwede ibenta. Even yung mga clothes ko, kasi nilimas niya yung buong drawer.

“Yung clothes na iyon, yun yung mga naka-plastic pa na merong tag price. So, ibig sabihin, madaling ibenta. So even that, pati yung dresses ng daughter ko na may mga tag price, may iba silang kinuha.”

Subalit ang mas ikinabahala ni Nicole ay ang nakita nila sa kama pagdating nila sa bahay.

“Yung nakaka-stress, yung may naiwan pa silang ice pick sa bed.

“Siyempre you can’t help but think na, ‘Hala, willing manakit?’ 'Di ba?

“May naiwan na ice pick sa bed, 'tapos isang yosi na unlit at saka kalahating pares ng tsinelas.”

“MAGPAWIS NAMAN SILA.” Masaya naman si Nicole at ang pamilya niya sa naging pagresponde ng mga pulis sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit mukhang nakatunog na raw ang mga kapitbahay nila nang maganap ang nakawan kaya lang natakot silang rumesponde.

“Yung dog, unusual daw yung barking noong mga 2 am, but ayaw nilang anuhin kasi kilalang addict [yung suspect].

“But we’re really working on it kasi siyempre nakakahiya naman na kahit papaano.

“[Kilalang] personality ako, 'tapos meron akong puwedeng magawa 'tapos hindi ko magagawan ng paraan.

“Ano na lang naman mararamdaman ng community na sila, they don’t have access to media 'tapos hindi pa rin ma-resolve. We want to take away the fear sa place.”

Nag-iwan naman ng mensahe si Nicole tungkol sa nangyari sa kanya.

“Una kong advice is if you have a CCTV, career-in mo na yung pagtago.

“Dati noong nagpa-install kami ng CCTV, ang advice nila is to put the DVR in a place na hindi maiisip ng magnanakaw, kasi usually nakalagay yan sa Master’s [bedroom] so definitely, ‘yun yung una nilang hahanapin.

“So ang first advice ko is, if there’s a CCTV, make sure that whatever equipment or aparato is in place na far from maiisip niya [criminal] or naka-lock siya or naka-seal siya or whatever.

“Kasi anong purpose ng CCTV kung kukunin nila yung buong aparato, wala rin.

“Number 2 is I hope na yung mga ito [nanloob sa bahay], mare-realize na may mga taong nagpapakahirap.

“Ako, sobra akong puyat lagi kasi I always work. Ano ako, e... hashtag alipin ng salapi.

“So bawat pagkakataon na puwedeng kumita, puwede akong mag-work hangga’t kaya ko pa, ginagawa ko talaga kasi pinaghihirapan ko ang lahat ng bagay.

“So sana naman yung mga iba, paghirapan din nila, hindi yung nanakawan na lang nila yung pinaghirapan ng iba, magpawis naman sila,” pagtatapos ni Nicole.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN