PEP EXCLUSIVE. Valeen Montenegro "traumatized" by social media bashing

Why Valeen Montenegro choose to keep quiet after she was accused of causing the separation of Ciara Sotto and Joe Oconer? She says, "There's nothing to defend."


Tuloy ang pag-ikot ng mundo ni Valeen Montenegro.

Sa pangalawang bahagi ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, nagkuwento ito kung paano siya naapektuhan ng balitang nagdadawit sa pangalan niya bilang third party diumano sa hiwalayang Ciara Sotto at Joe Oconer.

Matatandaang sa unang bahagi, dinenay ni Valeen na meron siyang kinalaman sa problema ng mag-asawa.

Read PEP EXCLUSIVE. Valeen Montenegro denies causing the separation of Joe Oconer and Ciara Sotto

Yun pa rin ang idiniin niya nang makausap siya ng writer na ito sa parehong event, ang launch ng bagong Flamingo Park collection ng MAC Cosmetics, noong March 9, sa Penthouse ng Twenty-Four Seven McKinley Building, Bonifacio Global City.

Aniya, "Hindi naman sa ayaw kong mag-comment.

"It's just that there are other people involved also. So I want it to be as private for them also.

"Kasi sari-sarili nilang buhay yun, e.

"So parang ano lang din, kasi parang nakaka-traumatize din yung nangyaring bashing also sa social media, and hindi ko rin naman sila mga kakilala 'tapos parang na-judge nila ako.

"But I'm really happy with the work that I have now.

"So mas napu-push ko rin lang ang sarili ko.

"Kasi, this is the life of showbiz. Talagang gano'n lang yung nangyayari sa iba't ibang mga career."

STILL BUSY WITH WORK. Tinanong namin kay Valeen kung may katotohanan ang bali-balitang baka matanggal siya sa Sunday PinaSaya, na nasa ilalim ng produksiyon ng APT Entertainment, na subsidiary ng TAPE, Inc. (Television And Production Exponents Philippines), na siyang nasa likod ng Eat Bulaga!

Nakangiti niyang sagot, "I'm still in it, I'm still working. I think it's the work ethics that I have towards my work.

"Kasi love ko talaga ang trabaho ko. Love ko ang Sunday PinaSaya, and every week talaga, ginagalingan ko 'yan, and I enjoy myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi doon siguro nila nakikita na parang they know that I love my job, and I won't do anything to jeopardize it."

NOT AFFECTED BY ISSUE. Tila hindi iniinda ni Valeen ang isyu?

Aniya, "Oo, nandun rin kasi yung same respect as I have for each and everyone that's involved in the issue."

Yung ganung akusasyon at yung social media bashing ay hindi biro. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob?

Mabilis niyang sagot, "Saan ko kinukuha yung lakas ng loob?

"It's who I am. It's the truth.

"So ayun lang. Masaya lang talaga ako sa ginagawa ko, at I really love my job."

SUPPORT GROUP. Hindi ba awkward minsan na gumagalaw siya sa mundo kunsaan patuloy na nagsi-circulate yung issue at posibleng hinuhusgahan siya ng mga tao?

Sagot niya, "Naisip ko din yun, that came in my mind also.

"But I really have good friends on my side that tell me na parang huwag mo lang pakialaman yun.

"They can think whatever they want, but they don't really matter kasi they don't know me personally.

"So wala akong magagawa."

NO REASON TO BE DEFENSIVE. Bakit hindi niya dinepensahan ang sarili niya noong simula pa lang?

Sagot ni Valeen, "There's nothing to defend.

"But that's showbiz e so yun!

"Kasi also, hindi rin talaga ako puwedeng magsalita about it.

"I wanted to be as lie low as possible kasi nga hindi naman ako generally yung pinaka-issue.

"Issue nila yun, e. I wanted to stay out of it talaga, na nadawit lang yung pangalan ko."

LIFE GOES ON. Hindi ba niya naisip na magpahinga muna habang malakas pa yung isyu?

Ani Valeen, "Ayoko nga, ayoko nga.

"Bakit? No. Hindi. Tuloy lang ang trabaho for as long as meron.

"I see naman that the people like working with me...So gagawin ko ring madali lang yung trabaho nila pag katrabaho nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEVEN-YEAR RELATIONSHIP. May ibang naniniwala na naging positibo kay Valeen ang kontrobersiya dahil mas nakilala siya.

Sagot niya, "Hindi naman.

"I hope there's a better way to know me kung ngayon lang nila ako nakilala.

"But na-hug ko yung side ng showbiz na yun, e.

"Saka komedyante ako, e. So I just keep everything light, everything happy, kasi life is short."

Pero siya ba, nakikita ba niya ang sarili na ma-fall sa isang married guy.

Umiling muna si Valeen at saka nagsalita, "No, may respeto naman ako.

"And... kasi I have a non-showbiz boyfriend for seven years na."

Anong reaksiyon ng boyfriend niya?

Mabilis niyang hirit na pabiro, "Hindi ko alam."

Pero mabilis niyang bawi na mas seryoso, "Pero nasasaktan rin siya for me kasi nakita niya yung bashing and all that, and how it's affecting me at first.

"Pero he was also one of the people who told me na, 'They don't know you, they don't have the right to judge you that way.'

"So I don't owe them any explanation doon sa mga hindi ko kakilala, ha."

Maliban sa Sunday PinaSaya, regular ring mapapanood sa mga programang Bubble Gang at Juan Tamad.

Ang upcoming project ni Valeen ay ang Poor SeƱorita na pagbibidahan ni Regine Velasquez-Alcasid at ipapalabas sa GMA soon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN