Sid Lucero says fire experience was a timely wake-up call

Sid Lucero relates what might have caused the fire that gutted his house in Merville, Parañaque City, before Christmas last year: "At first, akala namin it's electrical, but then nakita nung fire investigator when they asked me if I'm smoking and I said yes, so hindi ko raw ba naiwan sa couch? And then when we looked through the remains of the couch, we found the lighter that I used. Sa tingin ko, hindi naisara yung lighter."


Unti-unting nang naaayos ng award-winning actor na si Sid Lucero ang kanyang napabayaang career.

Inamin ng aktor na maraming nangyaring hindi maganda sa kanya noong nakaraang taon kaya gusto niyang bumawi sa taong ito.

Nagpapasalamat naman siya na may nagtitiwala at naniniwala pa rin sa kanya kahit na minsan ay natawag na siyang “unprofessional.”

“There is no one to blame but myself.

“I was not in a good place during those times and it really affected my work, my relationship with my family and friends… nahihiya ako sa mga nangyari noon.

“Ngayon, I'm trying to put the pieces back together again.

“I want to get back to work and show them that they can still trust me.

“That is why I am very thankful that there are people in my life who haven’t given up on me.

“Kung tutuusin, sa mga nangyari noon, wala na dapat na magtiwala sa akin, e.

“But these people stayed and they always tell me that I can still do it—I can still pick myself up and start again.

“That is what’s happening now and I don’t want to lose this chance again,” pahayag pa ni Sid nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA teleserye na The Millionaire’s Wife last March 8.

MOST TERRIFYING EXPERIENCE.” Ang naging wake-up call daw ni Sid sa kanyang pagbabago ay noong maranasan niyang masunugan noong nakaraang taon.

Nasunog ang bahay ni Sid sa Merville Subdivision in Parañaque City, bago sumapit ang Pasko, at itinuturing na niyang ikalawang buhay ito dahil sa pangyayaring iyon.

“It was the most terrifying experienced I’ve ever had.

“I could have died—akala ko katapusan ko na yun, e.

“Pero mabait pa rin ang Diyos sa atin. And I thank Him for this second life,” diin pa ni Sid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagpapasalamat ni Sid na wala ang kanyang two-year-old daughter na si Halo Eve sa bahay noong magkasunog. Nataong nasa bahay ito ng mommy ni Sid na si Bing Pimentel noong gabing iyon.

Pagbabalik-tanaw niya, “Mabuti na lang my daughter wasn’t in my house when the fire happened.

“Dapat I would pick her up. Kapitbahay ko lang naman si Mommy kasi.

“I am so thankful na hindi ko muna siya nakuha kay Mommy.

“I decided na umuwi muna ako para maligo, 'tapos doon ko siya daanan na kay Mommy.

“Mabuti na lang gano’n ang nangyari at walang nasaktan sa sunog.”

CAUSE OF FIRE. Kinuwento ni Sid ang pinagmulan ng sunog noong makausap niya ang nag-imbestiga.

“At first, akala namin it’s electrical, but then nakita nung fire investigator when they asked me if I’m smoking and I said yes, so hindi ko raw ba naiwan sa couch?

“And then when we looked through the remains of the couch, we found the lighter that I used.

“Sa tingin ko, hindi naisara yung lighter,” pag-assume ni Sid.

Naganap ang sunog sa unang palapag ng bahay ng aktor. Lahat daw ng mga kasama niya ay nasa second floor.

“Ang mga nasa bahay ko lang are my driver, maid, two dogs and three cats.

“Hindi namin alam na may sunog na pala. Nasa second floor kami.

“I actually ran down the stairs butt naked.

“Tapos sigaw ako ng ‘Sunog!’

“Half-naked ako kasi maliligo pa lang ako no’n, e.

“Pagbukas ko ng CR ko, sobrang dilim ng second floor, akala ko nga brownout.

“Siyempre, nung mag-register sa akin na fire siya, akala ko na I can hold my breath, pero hindi talaga.

“As in your heart is beating so fast and then you hold your breath na… I know I can hold my breath for a minute, but because my heart is beating so fast, yung inhale mo sobrang bitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sinubukan naming kumuha ng tubig, wala talaga, e.

“I got so scared. As in inisip ko na... 'Mamamatay ka talaga!'

“My gosh, yung smoke alone will kill you. I was so scared!” lahad pa ng aktor.

TRAUMA? Marami ngang nawala kay Sid dahil sa sunog na iyon. Bukod sa ilang napagpundaran niyang mga gamit, pati mga acting trophies niya ay nasunog lahat.

Pero balewala raw lahat iyon dahil buhay siya at ang mga kasama niya sa bahay.

“Kaya number one rule, no more smoking in the house.

“Bawal na talaga. After what happened, we all have got to be careful.

“Sobrang nakakapraning talaga yung nangyari.

“Minsan nga nakakaamoy ako ng fire.

“Like in the car, parang may gomang nasusunog. Feeling ko talaga na-trauma ako,” diin pa niya.

HELP FROM FRIENDS AND FAMILY. Habang inaayos nga raw ang bahay niya, tumira muna siya sa bahay ng kanyang ina. Napasubo nga sa gastos si Sid dahil malaki-laki ang nasunog sa bahay niya.

“Malaking gastos, but I am thankful for so many people who helped me out financially.

“Nagugulat na lang ako na nag-ambag-ambag sila para sa akin.

“I'm grateful for having great family and friends.

“Ayaw ko ngang sabihin yung nangyari sa akin kasi nahihiya ako.

“Pero they found out anyway and their help meant a lot to me,” ngiti pa ni Sid.

WAKE-UP CALL. Noong nakaraang March 8 ay nakabalik na si Sid sa bahay niya dahil natapos na ang pag-ayos dito.

“What happened really made me realize na kailangan pahalagahan natin ang buhay natin.

“Hindi natin dapat tine-take for granted ang mga dumarating na opportunities.

“In one snap, everything will be gone.

“Now, I'm determined to make good of every opportunity that comes my way.

“Kailangan siguro na may mangyari sa akin na gano'ng experience para lang magising tayo,” mapagkumbaba niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN