Dina Bonnevie refuses to reveal her candidate of choice

Dina Bonnevie refuses to disclose her candidate of choice for the coming May elections: "Ayokong magsalita kung sino ang pipiliin ko. Basta meron na akong napili na sa tingin ko ay para sa ikabubuti ng ating bansa."


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dina Bonnevie sa location shooting ng Magtanggol, Bagong Bayani sa Malolos, Bulacan, noong nakaraang Huwebes, March 10, tinanong namin siya kung may napili na siya ng kandidatong iboboto sa nalalapit na halalan.

“Dan-dan-dan!!! Ha-ha-ha!

“Secret na lang. Ang hirap!” natatawa niyang pag-iwas.

Ayaw niyang mag-endorse ng candidate?

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“Ang ie-endorse ko lang ang asawa ko. Ha-ha-ha!”


NOT ENDORSING ANYONE. Si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor Savellano ang mister ni Dina na tumatakbo ngayon bilang congressman sa kanyang lalawigan.

Kababayan ng mister ni Dina ang vice-presidentiable na si Senator Bongbong Marcos.

“Ah, oo nga pala. Hindi, ayokong mag-endorse ng kahit na sino.

“Basta, secret! Meron na akong napili,” pag-amin naman niya.

BEST JUDGMENT. Nililigawan ba siya ng kampo ni Sen. Bongbong para ikampanya ito?

“Hahaha! Hindi naman kailangang ligawan, e.

“Hindi, I mean, hindi naman kailangang ligawan kasi kahit na anong... kahit naman sinong mangligaw I will still use my best judgement.

“Ayokong magsalita kung sino ang pipiliin ko. Basta meron na akong napili na sa tingin ko ay para sa ikabubuti ng ating bansa,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN