Luis Manzano discharged from hospital after overnight confinement

Luis Manzano was discharged from The Medical City on Sunday, March 13, after being confined overnight. However, the Kapamilya TV host didn't disclose the reason for his confinement in his Instagram update.


Isinugod sa The Medical City hospital nitong Sabado, March 12, ang ABS-CBN TV host na si Luis Manzano.

Sa Instagram, ibinahagi ni Luis ang kanyang litrato suot ang isang patient wristband mula sa ospital.

Hindi naman sinabi ni Luis sa kanyang post kung bakit siya na-ospital, ngunit kalakip ng kanyang IG post ang paglilinaw na hindi allergy ang dahilan nito.

Ang buong caption ni Luis:

"Yun lang...confined...hassle???????????? di ako pwede ma confine, kelangan ng planeta kagwapuhan ko. And it's not because of allergies heheheh ???"

Nagawa pang makipagbiruan ng Celebrity Playtime host sa Kapamilya actress na si Alex Gonzaga sa Twitter matapos mabalitaan ng huli na na-ospital nga si Luis.

Kanina, March 13, muling nagbigay ng update si Luis sa kanyang mga social media followers at sinabing na-discharge na siya sa ospital.

Biro ni Luis: "Hi everyone! Kaka discharge ko lang, nakita sa blood tests na sobrang gwapo ko at iba ang hotness ko, very much above normal daw, haaaay."

Walang lunas to, nasa dugo e ?????????

A photo posted by Luis Manzano (@luckymanzano) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN