(UPDATED) Diego Loyzaga allegedly involved in altercation at Palace Pool Club

Pangako Sa 'Yo star Diego Loyzaga allegedly got involved in a heated argument and altercation with complainants Wilmer Paolo Lopez (inset) and Wilmer Angelo Lopez at the Palace Pool Club on Sunday, March 13, around 4:30 A.M.


Ipinagtaka ng fans ng ABS-CBN talent na si Diego Loyzaga kung bakit hindi ito nakasama sa musical-variety show na ASAP ngayong Linggo ng hapon, March 13.

Si Diego, 20, ay anak ng actor-director na si Cesar Montano at ng Pasion De Amor actress na si Teresa Loyzaga.

Sa nasagap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ito ay dahil nasangkot diumano ang Pangako Sa 'Yo star sa isang 'altercation and heated argument' incident sa The Palace Pool Club, sa Bonifacio Global City, nitong Linggo ng madaling-araw, March 13, bandang 4:30 A.M.

Pinagtulungan diumanong bugbugin ni Diego at ng mga kasama nito ang magkapatid na Wilmer Paolo Lopez, 18, at Wilmer Angelo Lopez, 19.

Parehong estudyante sina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo.

Nakatanggap ang PEP ng kopya ng blotter report mula sa mga complainant:

THE STORY. Nitong Linggo ng gabi, March 13, sa eksklusibong panayam ng PEP sa kapatid na babae ng mga complainant, na nakiusap na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan, ay ikinuwento nito ang kanilang panig sa nangyaring insidente.

Hindi kasama ang kapatid na ito nina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo nang mangyari ang insidente, ngunit marami raw silang witness na makapagpapatunay ng kanyang sasabihin.

Nanggaling daw si Diego sa party ng kapatid ng kapwa Star Magic talent niyang si Julian Estrada sa Emar Suites, sa Shaw Blvd., Mandaluyong City, bago pumunta ng Palace Pool Club kasama ang iba pa nitong mga kaibigan.

Sa Palace Pool Club, magkalapit lang daw ang lamesa ng grupo nina Diego at ng magkapatid na Lopez.

Kuwento ng kapatid ng complainants, “Both parties, they were at Pool Club, Palace Pool Club, last night [March 12]. They informed me na Diego Loyzaga was attending a birthday party of Julian Estrada.

“Now, sa katabing table nila, nandun yung dalawang brothers ko with their group. My two brothers, Wilmer Paolo and Wilmer Angelo Lopez.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na panayam ng PEP kanina sa complainant na si Wilmer Angelo kanina March 14, nilinaw nito na na hindi kasama sa nangyaring gulo si Julian. Aniya, “He really wasn’t part of the assault talaga.”

Patuloy namang kuwento ng kapatid ng mga complainant, “Si Diego Loyzaga, he was kind of intoxicated na...

“He got touchy daw with one of the girls na kasama yung brother [Wilmer Paolo] ko, which is girlfriend nung isa kong brother [Wilmer Angelo].

“Ang nangyari nun, they went to the aid of the girl and they talked to him [Diego] calmly na parang, they were saying na, 'Don't do it next time...'

“Tapos, basically, parang medyo pinagsabihan lang nila si Diego not to [do it] anymore, pero wala namang anything physical.

“They just talked to him calmly kasi medyo nag-panic yung girl.”

Nagsimula raw ang di pagkakaunawaan sa pagitan nina Diego at ng mga Lopez nang abangan umano ng Kapamilya talent si Wilmer Paolo sa may comfort room at sinuntok ng dalawang beses.

Naayos din naman daw ito matapos nilang mag-usap sa labas ng Pool Club.

Kuwento ng kapatid ng mga complainant, “Ngayon, when my younger brother, si Wilmer Paolo, went to the bathroom, paglabas niya, inabangan siya ni Diego Loyzaga, tapos sinuntok siya ng dalawang beses.

“And so bouncers went near them and sabi, 'Doon na kayo magsuntukan sa labas.'

“Ngayon, so all the parties went outside. Ngayon, they talked it out, tapos Diego even hugged my brother [Wilmer Paolo].

“Kasi akala ng brother ko okay na sila kasi they talked it out calmly.”

MISUNDERSTANDING. Matapos nito, inakala raw ng grupo nina Lopez na maayos nang natapos ang di pagkakaunawaan nang biglang hanapin ni Diego ang isang lalaki na nagngangalang Paolo.

Ipinaliwanag daw ng magkapatid na kakakilala lang nila kay Paolo, na tinutukoy ni Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng kapatid nina Wilmer Paolo at Wilmer Angelo, “Their group was asking my brothers, both of them, they were like, 'Do you know this guy? Do you know this guy? What's his last name?'

“Now my brother doesn't really know this guy because he just really met him, so hindi niya alam ang last name nitong guy.

“So he kept telling Diego's party na, 'I really don't know. I really don't know his name. It's just a misunderstanding.'”

Ayon naman sa isa pang source na nakausap ng PEP, isa si Paolo sa mga nakakita sa pangyayari sa Palace Pool Club at tumulong din daw ito upang pag-ayusin ang dalawang grupo.

Isa sa hinihinalang dahilan kung bakit hinahanap ni Diego si Paolo ay dahil siya ang namukhaan nito nang mangyari ang gulo.

Dito na raw nagsimula ang diumano'y pambubugbog ni Diego at ng mga kasama nito sa magkapatid na Lopez.

Nakaalis na rin daw ng Palace Pool Club ang Paolo na hinahanap ni Diego nang mangyari ang gulo sa labas ng Pool Club.

Sa litratong ipinadala ng magkapatid sa PEP, makikita ang natamong pinsala ni Wilmer Paolo mula sa grupo ni Diego:

Photo courtesy of Wilmer Angelo Lopez

Kuwento muli ng kapatid ng complainants, “My brothers kasi, they were about to go home na din.

“Tapos, while my brothers were trying to explain their side, si Diego Loyzaga said 'Sapakin mo na 'yan' to a person behind my brother.

“Kasi pinalibutan nila yung brother ko. Tapos yung guy sa likod, sinuntok niya yung brother ko from behind, which resulted to him getting knocked out. As in nahulog lang siya.

“My brother didn't even do anything, nahulog lang siya sa floor.

“And then, after nahulog siya sa floor, 10 to 15 people na kasama nila took turns kicking him. He was already unconscious and bleeding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap din ng PEP si Wilmer Angelo, na siyang kasama ni Wilmer Paolo, nang mangyari ang insidente.

Aniya, agad na naging unconscious ang kapatid na si Wilmer Paolo nang sapakin ito ng kasama ni Diego.

Bukod dito, patuloy rin daw ang pagsipa ng grupo ni Diego sa kapatid niya sa bandang bahagi ng ulo nito kahit nawalan na ito ng malay.

Sinubukan din daw ng girlfriend ni Wilmer Angelo na tulungan si Wilmer Paolo ngunit maging ito ay natamaan ng grupo ni Diego.

Humingi raw ng tulong ang grupo nina Lopez mula kay Paolo, na agad bumalik upang madala agad ang mga ito sa St. Luke's Medical Center, sa Bonifacio Global City, upang mabigyang lunas ang kanilang natamong sugat mula sa grupo ni Diego.

Nagtungo rin sa Southern Police District - Taguig City Police Station ang grupo nina Lopez upang mag-file ng blotter report.

Nagpunta rin sila sa Taguig-Pateros District Hospital upang kumuha ng medical examination dahil nais din ng mga complainant na maghain ng reklamong Physical Injuries laban kay Diego at sa mga kasama nito.

DIEGO'S SIDE. Sinubukan ng PEP na hingan ng statement si Diego sa pamamagitan ng Star Magic, na namamahala ng kanyang career, ngunit hindi pa sila nagbibigay ng official statement hanggang sa oras na ito.

Agad naming ilalathala ang kanilang pahayag kapag nakuha na namin ito.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN