How Piolo Pascual missed a photo op with Meryl Streep at BIFF

Piolo Pascual on missing a photo opportunity with Hollywood actress Meryl Streep: "Okay na yun. Okay na ako doon, sulit naman ang pagkakakita ko sa kanya."


Sadya bang hindi nagpakuha ng litrato si Piolo Pascual sa Hollywood actress na si Meryl Streep nang magkita sila sa Berlin International Film Festival noong nakaraang buwan?

Hindi naiwasang matanong si Piolo tungkol dito sa ginanap na blog conference para sa commercial run ng Hele Sa Hiwagang Hapis kahapon, March 13.

Bukod kasi sa pagkapanalo ng Silver Bear Award sa Berlin filmfest ng Hele Sa Hiwagang Hapis, pinag-usapan din ang mga kuhang litrato ng mga artista sa pelikula kasama ang Hollywood actress na si Meryl Streep.

Isa ang Oscar-winning actress sa mga hurado sa nasabing film festival.

A dream come true ! #Berlinale

A photo posted by Ms Cherie Gil (@macherieamour) on

 

Kahit ang co-star at kasamahan niya sa Star Magic na si John Lloyd Cruz ay napiktyuran kasama si Meryl.

Pero bakit walang picture si Piolo kasama ang Academy Award-winning actress?

Nahihiya talaga ako!” natatawang sabi ng Kapamilya actor.

Paliwanag pa niya, “Ang kuwento kasi niyan, tinawag kami ni Lloydie na umakyat sa stage so we can take a photo as a group with Meryl Streep.

Pagpunta namin, siyempre kinuyog na ng mga artistang babae si Meryl Streep.

So, kung makikikuyog pa ako, nakakahiya na.

Noong nandun na kami ni Lloydie, I didn't even know that I dropped my phone. Hindi ko na rin kinuha.

Sabi ni Lloydie, gusto niyang magpa-picture kay Clive Owen.

Pero sabi namin, huwag na kasi nakakahiya.

"So, nakatayo lang ako doon habang nagpapa-picture silang lahat tapos lumabas na kami.”

Kahit hindi nakapagpa-picture, sulit naman daw ang makita si Meryl Streep sa personal.

Sabi ni Piolo, “I think the explanation there, not for anything, Meryl Streep was on the stage for a solid hour.

The jurors were on the stage for a solid hour giving awards.

Para sa akin, na-consume ko na, na-demistify ko na si Meryl Streep.

"Seeing her on stage, kumbaga, larger than life.

Parang I didn't wanna demistify her kasi you kinda objectify the person, nagmumukha siyang object.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya sa huli, “Sabi ko, 'Meryl Streep 'to, e, okay na yun.'

"Okay na ako doon, sulit naman ang pagkakakita ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN