Kris Bernal admits she and Renz Fernandez had mutual understanding

Kris Bernal relates her connection wiith Renz Fernandez has been shaky from the start. She says, "May mga times na parang hindi kami nagkakasundo… let's say sa time. Sabi ko, after Little Nanay na lang. Since tapos na ang tapings, hindi ko alam kung ano ang plans niya."


Inamin ni Kris Bernal na umabot sa mutual understanding ang relasyon nila ng co-star niya sa Little Nanay na si Renz Fernandez.

Romantiko nga raw ang anak na ito ni Lorna Tolentino ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

“Oo, si Renz napakasipag niyang magbigay ng flowers.

“Pero kasi very picky ako, e, napakapili ko. 

“If ever I’ll have another relationship, gusto ko eto na yung for lifetime… yung tatagal.

“Ayoko na ng waste of time na mabilisan lang. 

“Kung alam kong panandalian lang ito, ay, huwag na lang.”

Gaano sila katagal ni Renz?

“Two months, sandali lang, duration lang ng show, nong magkasama kami sa Little Nanay,” sabi ni Kris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Flamingo Park ng MAC Cosmetics noong March 9.

INCONSISTENT. Sa puntong ito, sinabi rin ni Kris na medyo tumigil na sa panliligaw sa kanya si Renz.

“Nag-stop na siya, e... hindi naman totally stop.

“Pero not as frequent gaya dati, hindi na siya consistent.

“Mabait si Renz, mabait si Renz, pero may mga times na parang hindi kami nagkakasundo. 

“Hindi naman about... well, let’s say sa time.

“Hindi kami nagkakasundo sa time… basta, mga ganong bagay.”

Patuloy ng Kapuso actress, “Nagkaintindihan naman kami, nagkaroon kami ng mutual understanding. 

“And sabi ko naman sa kanya, hindi ko siya fully ma-entertain. 

“Hindi ko siya ma-entertain ng hundred percent because I’m doing Little Nanay, medyo nahihirapan akong isabay.

“Kumbaga, pag may free time ako, I’d rather spend it sa sarili ko at sa family ko.

“So, sabi ko, after Little Nanay na lang. 

“Since tapos na ang tapings, hindi ko alam kung ano ang plans niya.”

ME FIRST. Gaya sa naunang relationship niya, hindi pinayagan ni Kris na ma-overpower ng love life ang kanyang career. 

Ibig sabihin, in control siya palagi sa kanyang puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Oo, nakukontrol ko at saka pagdating sa love life, smart na ako diyan, ayokong magkamali.”

Mula nang magtapos ang relasyon nila ni Carl Guevara, hindi pa raw nagkakaroon ng official boyfriend ulit si Kris. 

Ano ang kanyang natutunan sa naging relasyon niya kay Carl?

“A, siguro, don’t give your hundred percent,” sagot niya.

Dahil ba sa tinipid niya ang pagmamahal kay Carl kaya hindi nagtagal ang kanilang relationship?

Kontra ng petite actress, “Ibinigay ko yun, maybe hindi ninyo nakita or maybe I’m not vocal about it.

“Pero ibinigay ko yung hundred percent ko, time, effort.

“Naibigay ko, kasi pag may free time ako, diretso sa kanya, diretso kong ibinibigay sa kanya.

“Siyempre pag nag-break… hindi mo alam kung paano ka magsu-survive.

“Hindi mo alam kung paano ka tatayo on your own.

“So, siyempre, dapat magtira ka rin for yourself.”

Dala raw ni Kris ang lesson na ito sa kanyang pakikitungo kay Renz.

“Oo, in-apply ko kay Renz, mas inuna ko ang sarili ko kaysa sa i-entertain ko muna yun, e. 

“Mas inuna ko yung trabaho ko, inaalagaan ko muna ang sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN