Kris Bernal denies she had a boob job

Kris Bernal is aghast, "Ay, boobs agad? Hindi ba puwedeng cleavage lang? Even my old photos if they check it, meron naman talaga. Saka bawal kang mag-gym kung nagpagawa ka. Parang ang sipag kong mag-gym e."


Isa si Kris Bernal sa mga celebrity na masipag mag-upload ng photos sa Instagram. 

Madalas makita sa IG wall ni Kris ang workout moments niya na sexy ang suot. May kuha pa nga siya sa swimming pool na nagpapakita ng kanyang mayamang dibdib. 

Reaksiyon naman ng Kapuso actress, “Ay, boobs agad? Hindi ba puwedeng cleavage lang?” 

May mga humanga at mayroon din namang nagduda na tila hindi proportioned ang dibdib niya para sa payat niyang pangangatawan.

Biro ni Kris, “Gusto mong makita yung tahi? Charot!

“Hindi, wala. Ano ba?!

“Ano bang nangyayari? Feel ko sa angle lang. 

“Kahit naman sa picture ko, sobrang payat, di ba? 

“Pero sa TV naman at in person, okey naman…”

Noong kasagsagan sa ere ng nagwakas na Sunday All Stars, kapansin-pansin na ang malaking boobs ni Kris.

Pero giit niya, “Totoo naman talaga, even my old photos, if they check it, meron naman talaga.

“Pero ngayon may push-ups na tayo, may silicon na tayo, may ganun na tayong technology or nakakatulong.

“Saka bawal kang mag-gym kung nagpagawa ka.

“Parang ang sipag kong mag-gym, e.”

Samantala, bukas na si Kris na isantabi ang kanyang wholesome image para sa mature roles sa susunod niyang projects.

Pahayag niya, “Hindi naman going sexy, pero opposite lang sa Little Nanay… kasi sa Lilttle Nanay bata ako, e.

“Para lang to see a different Kris, para off cam or next kong gagawin, mature naman.

“Para may variety or may flavor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN