Andrea Torres pegs Marian Rivera on career and love life

Andrea Torres on why she is not yet thinking about settling down: "Kailangan munang ma-achieve ang mga nasa listahan! Mga goals, palagi akong may ganun. Kailangan munang ma-achieve ko yun para kapag nag-focus naman ako..."


Masaya raw si Andrea Torres para sa perennial leading man na si Mikael Daez dahil tila open na ang relasyon nito sa dating Miss World na si Megan Young.

Madalas kasing mag-post sina Mikael at Megan ng mga larawan nila sa Instagram na sila ang magkasama.

Natatawang sabi nga ni Andrea, “I’m happy for them, nila-like ko rin!”

Si Andrea, kailan naman kaya siya magiging open sa kanyang love life?
 
“Ako? Kailangan munang ma-achieve ang mga nasa listahan!” tawa niya ulit.
 
Patuloy ng Kapuso actress, “Mga goals, palagi akong may ganun.

“Kailangan munang ma-achieve ko yun para kapag nag-focus naman ako...

“Gusto ko kasi yung ginawa ni Ate Yan [Marian Rivera].

“Nag-focus muna siya sa work, nag-asawa siya kung kailan fulfilled na fulfilled na siya sa work.

“Pero nandito pa rin siya, walang problema, plantsado lahat.
 
“Gusto ko ganun din. Kapag nag-asawa, walang sisihan, walang sakit sa ulo.”
 
Nagkakakuwentuhan pa ba sila ni Marian?
 
Ayon kay Andrea, “Nakakuwentuhan ko siya, sa Sunday Pinasaya, marami siyang tips, e.

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Peg kita.’

“Nakikita mo ang ayos, masaya siya. Noong nagbuntis siya, hindi siya nahirapan, kasi lahat okey. 

“Saka, yun nga, wala yung 'nag-asawa ako ng maaga, hindi ko nagawa ‘to.'

“Or minsan, later on mo na lang mari-realize na sana nagawa ko ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN