Louise delos Reyes on lack of projects: "Siguro it's not my prime anymore or it's not yet my time."

Louise de los Reyes clarifies she's just taking a breather from work. "Hinga-hinga naman. I'm doing my blog… meron akong ginagawa apart from acting. Doon ko muna pinu-focus yung atensiyon ko tapos may restaurant rin ako."


Marami sa fans ni Louise delos Reyes ang nag-aakalang disappointed ang aktres sa kawalan ng project sa GMA Network, kaya ginugugol na lang niya ang atensiyon sa pagliliwaliw sa iba’t ibang lugar.

Ngunit ayon kay Louise, maayos naman ang kanyang karera sa Kapuso network.

Saad pa niya, “Sabi ng handler ko, meron akong gagawin na bago [series], so let’s see.”

Itinanggi rin ni Louise ang balitang lilipat na siya ng ibang istasyon.

“No naman. Ako naman, habang walang work, I’m doing my part as an artist.

“I need to be fit and look good habang walang projects.

“Meron naman akong guestings at yung mga ibinibigay nilang guestings sa akin, mahihirap, as in mga acting pieces.

“And I’m happy with that kasi doon ko talaga nasu-showcase yung talent ko with acting. 

“At galing lang ako sa vacation so hinga-hinga naman.”

Patuloy niya, “Yung last ko, November [2015], My Faithful Husband.

“Ngayon kasi hati ang atensiyon ko habang wala akong ginawa at maraming bagong show sa GMA-7. 

“So, I’m doing my blog. On the side, meron akong ginagawa apart from acting.

“So, doon ko muna pinu-focus yung atensiyon ko, tapos may restaurant din ako.

“So a lot of things happening aside from acting, siguro hindi lang ako masyadong visible.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa launch ng pinakabagong cosmetic collection ng MAC noong March 11.

LYING LOW, WAITING. Hindi nagtampo si Louise sa Kapuso network na biglang nahinto ang dating sunud-sunod na pagbibida niya sa mga teleserye? 

Tugon niya, “I believe na may mga time ang bawat artist.

“Siguro it’s not my prime anymore or it’s not yet my time.

“So, hinahayaan ko muna yung ibang artist ang mag-shine. 

“Kung para sa akin talaga ang showbiz, para sa akin yung show, makukuha siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, I’m patiently waiting for everything to happen.”

Diin pa ni Louise, “I’m okay naman. I don’t hold any grudges na parang bakit wala pa akong show. 

“Siguro tamang planning lang yun for me, I’m just waiting. 

“Siguro wala pa talagang character or roles for me na sobrang fit.”

May mga nagsasabing ang pagkakasangkot ni Louise sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noon ang dahilan ng paglamlam ng kanyang career.

Nakangiting sabi ng dalaga tungkol dito, “I’m not thinking that way. 

“Siguro nagkataon lang ang lahat ng bagay. 

“Nung lumabas yung issues na yun, marami ring bagong artista na pumasok at hindi na ako sa kilig-kilig na part, e. 

“Dapat mag-level up na ako, so mas marami nang naging kilig-kilig at yun ang mas in ngayon. 

“So, hindi ko alam kung yun nga or... ewan ko.”

A SEXIER LOUISE. Pero tiniyak ng young actress na kakaibang Louise delos Reyes ang matutunghayan ng kanyang fans ngayong taon.

May dahilan nga raw kung bakit siya nagpapaganda ng katawan.

“Siyempre, hindi naman ako magdyi-gym kung wala akong balak.

“Kailangan talagang mag-level up, that is why I’m rebranding myself this year.”

Sa ilang Instagram postings nga ni Louise, makikitang naka-bathing suit na siya habang nasa beach.


Aniya, “Kasi ang tingin nila sa akin, mukha raw akong bata. 

“I’m turning 24 years old this year, so I have a lot of things na pina-plan ko this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN