Claudine Barretto visits Rico Yan's grave on his birthday

Claudine Barretto visits the grave of former boyfriend and the late matinee idol Rico Yan, who would have been 41 years old today.


Binisita muli ni Claudine Barretto ang puntod ng yumaong aktor at dating boyfriend na si Rico Yan ngayong Lunes, March 14.

Ngayong araw ang ika-41 na kaarawan ng aktor.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, makikita si Claudine na inaalayan ng bulaklak ang puntod ni Rico.

Kasama ng aktres na dumalaw sa puntod ng yumaong kasintahan ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino.

Caption ni Claudine sa Instagram post: “Happy happy birthday RY.”

@santino_barretto_santiago @tinamarieyan Happy happy Birthday RY

A photo posted by @claubarretto on

Nag-post din si Claudine ng larawan ni Rico kalakip ang mga sumusunod na caption: “Happy happy Birthday RY. You are terribly missed & loved. Bet you’re celebrating with Direk Wenn up there.”

Ang tinutukoy ni Claudine ay si Direk Wenn Deremas, na yumao noong February 29 dahil sa cardiac arrest.

Si Direk Wenn ang nagdirek ng matagumpay na teleserye nina Claudine at Rico na Mula Sa Puso.

March 29, 2002 nang pumanaw si Rico sanhi ng acute hemorrhagic pancreatitis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN